Diego Loyzaga may inamin tungkol kay Jake Cuenca

Diego Loyzaga may inamin tungkol kay Jake Cuenca

Therese Arceo |March 02,2024
facebook
share this

Diego Loyzaga may inamin tungkol kay Jake Cuenca

Therese Arceo - March 02, 2024 - 04:44 PM

Diego Loyzaga may inamin tungkol kay Jake Cuenca

Diego Loyzaga at Jake Cuenca

PINURI ng aktor na si Diego Loyzaga ang kanyang “Los Bastardos” co-star na si Jake Cuenca sa husay nito sa kanilang trabaho.

Sa kanyang naging interview kay Aiko Melendez na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay natanong siya kung sino sa mga aktor na nakasama niya ang mahirap katrabaho.

Ang mga pangalang ibinigay ni Aiko kay Diego ay sina Joseph Marco, Jake Cuenca, Albie Casiño, at Marco Gumabao.

Sagot ng aktor, sa apat na pangalang nabanggit, si Jake ang itinuturing niyang “mahirap” na makatrabaho.

“Parang ‘di ko pa nakakatrabaho si Joseph [Marco]. Madaling katrabaho si Albie. Jake is a very serious actor. Marco, hindi naman siya mahirap katrabaho.,” sagot ni Diego.

Paglilinaw niya, hindi mahirap katrabaho si Jake dahil sa ugali niya kundi dahil mahusay ito sa kanilang larangan.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga aminadong si Sofia Andres ang TOTGA: ‘Ang laki ng pagkakamali ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I’m not saying it because mahirap siyang katrabaho in the sense na parang annoying siya or something. No, he’s such a good actor that you really have to be good if siya ‘yong ka-eksena mo,” pagbabahagi ni Diego.

Aniya, tila hindi pa nga raw sapat ang natatanggap ni Jake na pagkilala at papuri ng mga tao lalo na’t magaling itong aktor.

Lahad ni Diego, “I think he is not given his flowers enough. Feeling ko nga he should always be in the conversation of one of the best actors. Magaling si Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang versatile ni Jake. Pwedeng bida, kontrabida. Action. He even did BL din with Joem Bascon,” lahad niya.

Bukod rito, inamin rin ni Diego na sa mga nakalipas niyang nakarelasyon ay si Sofia Andres ang kanyang TOTGA o The One That Got Away.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending