Daniel certified ‘animal lover’, 140 fur babies ang kasama sa 29th birthday
HINDI pa pala tapos ang meaningful birthday ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla this year.
Kung noong nakaraang araw ay nagpasaya siya ng mga batang may cancer, nitong April 26 naman, ang araw mismo ng kanyang kaarawan ay nagtungo siya sa isang animal shelter sa Pampanga.
Kasama niya riyan ang maraming fans at ilan kaanak, ayon sa report ng ABS-CBN Entertainment.
Aminado si DJ na masaya ang pagdiriwang ng kanyang 29th birthday dahil ito ay may kabuluhan.
Sey niya sa interview, “Very happy kasi ang ginagawa natin is meaningful, that’s it!”
Baka Bet Mo: Brenda Mage ipinangalan sa mga dating dyowa ang pet dogs: Meet my exes!
Naging emosyonal din ang pet rescuer at shelter owner na si Gemma Omongos na hindi makapaniwala na ang kanyang animal shelter ang mapipiling tulungan ng aktor.
“Wala naman kasi kaming donor, wala talaga. Hindi ko aakalain na mapipili niya kami,” saad niya habang naiiyak.
Base sa ulat, 90 dogs and 50 cats ang kabuuang bilang ang napasaya ni Daniel na kung saan ay pinaliguan pa nila ito at pinakain.
Marami pang naging sorpresa ang Kapamilya star dahil nagbigay din siya ng mga sako-sakong dog food at treats, at nagpagawa rin ng mga bubong at cages para sa mga pusa.
May dinala ring grupo ng mga veterinarian si DJ upang ipakapon ang ilang fur babies.
View this post on Instagram
Magugunita noong April 20 nang magkaroon ng advanced birthday celebration si Daniel kung saan ay bumisita siya sa temporary shelter ng mga batang may cancer sa Center for Health Improvement and Life Development (CHILD Haus) sa Ermita, Manila.
Ang mga nakakaantig na kaganapan ay ibinandera ng Star Magic handler na si Luz Bagalacsa sa kanyang Instagram page.
Mapapanood na bukod sa nakipag-bonding at nakisaya siya sa mga pasyente ay namigay rin siya ng mga laruan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.