Throwback video ni Daniel na umano'y aambahan si Kathryn, viral

Throwback video ni Daniel na diumano’y aambahan si Kathryn, viral

Therese Arceo |April 03,2024
facebook
share this

Throwback video ni Daniel na diumano’y aambahan si Kathryn, viral

Therese Arceo - April 03, 2024 - 06:52 PM

Throwback video ni Daniel na diumano'y aambahan si Kathryn, viral

SA kalagitnaan ng mga kumakalat na chikang may mga duma-damoves na sa aktres na si Kathryn Bernardo, marami naman sa mga fans nito ang nagto-throwback ng videos kung saan kasama pa niya ang ex-dyowa na si Daniel Padilla.

Sa X (dating Twitter) usap-usapan ang video ng KathNiel nang dumalo sila sa ABS-CBN Ball.

Makikita na tila “inambahan” raw ni Daniel si Kathryn sa naturang video.

Caption ni @gumyness, “maraming hndi nakapansin neto way back. nairita siya kay [Kathryn] back in smb 2017 baka kasi sa suot ni K na kita cleavage.

Baka Bet Mo: Daniel pinagbawalan si Kathryn na gawin ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Look at his expression and the way na parang susugurin niya si K with his fist. pinandilatan nalang siya ni K kase inappropriate ang behavior ng kwago,” saad ng netizen na tumutukoy sa ikinilos umano ni Daniel.

Makikita namang tinitigan lang ni Kath ang dating dyowa at hinawi na lamang ang buhok.

Nabansagan pa nga si Daniel na “walking red flag” at sinabing best decision ang ginawa ni Kathryn na makipaghiwalay.

“Kaya Pala iniwanan to c daniel ni Kathryn, may ugali na di maganda,” saad ng isang netizen.

Komento naman ng isa, “thank you kathryn for being so strong! You don’t deserve this man.”

“I didn’t like Daniel for Kathryn from the very beginning. She was too good for him. I guess I have a hunch about what will happen,” sey naman ng isa.

Ngunit may mga nagtanggol rin kay DJ at sinabing hindi raw isyu ang pagpapakita ng skin ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May naglabas pa nga ng video ng interview nila ni Daniel kung saan makikitang dumepensa ito sa “pagpapa-sexy” umano ni Kathryn.

Samantala, wala pa namang reaksiyon o pahayag ang kampo nina Kathryn at Daniel tungkol sa isyung ito.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng mga personalidad na sangkot sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending