Maxine, Timmy nagtatalon nang malamang baby boy ang anak

Maxine, Timmy nagtatalon nang malamang baby boy ang magiging anak

Ervin Santiago |April 07,2024
facebook
share this

Maxine, Timmy nagtatalon nang malamang baby boy ang magiging anak

Ervin Santiago - April 07, 2024 - 12:07 PM

Maxine, Timmy nagtatalon nang malamang baby boy ang magiging anak

Timmy Llana at Maxine Medina

LITERAL na nagtatalon ang mag-asawang Maxine Medina at Timmy Llana nang malaman ang gender ng kanilang first baby.

Yes, yes, yes, mga ka-Marites! Tuwang-tuwa nga sina Maxine at Timmy matapos nilang madiskubre na baby boy ang una nilang magiging anak.

Isang simpleng gender reveal ang inihanda ng mag-asawa kasama ang kanilang mga kapamilya base sa ipinost nilang short reel sa Instagram.

Makikita sa video ang couple na nakatayo sa isang tila garden habang nasa likod naman nila ang isang maliit na smoke fountain.

Baka Bet Mo: Maxine Medina excited nang ikasal sa Oktubre: Counting down the days till forever!

Kitang-kita ang sobrang excitement na nararamdaman nina Maxine at Timmy habang hinihintay ang kulay na ibubuga ng fountain.

Mula sa kulay abo, naging blue nga ang ibinubugang usok ng fountain, meaning baby boy ang ipinagdadalang-tao ng aktres at dating beauty queen. Anila, “answered prayers” ang pagkakaroon nila ng baby boy.

“Ready to welcome our little slice of heaven!” ang bahagi ng caption ni Maxine sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Mika Maxine Medina – Llana (@maxine_medina)


“Excuse my jumping – I just couldn’t help it! Thank you Lord!” aniya pa.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez nagtatalon na parang bata nang abutan ng pera ni Annabelle Rama noong Pasko

Dalawang beses ikinasal ang mag-asawa last year, una sa simbahan bilang pagtupad sa hiling ng kanilang mga magulang at ikalawa sa isang beach sa Palawan.

Nauna rito, last February, ibinandera ng mag-asawa sa social media na magiging mommy at daddy na sila kalakip ang ultrasound scan ng kanilang baby.

“We’re thrilled to share the most precious news! We’re expecting our first little bundle of joy!”

“Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood,” ang sabi ni Maxine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you Lord. And oh I just wanna share, it’s true that you’ll cry when you hear that first heartbeat yes it was so precious,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending