Maxine Medina excited nang ikasal sa Oktubre: Counting down the days till forever!
TATLONG buwan nalang, ikakasal na ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Maxine Medina sa kanyang non-showbiz fiancé na si Timmy Llana.
Proud na ibinandera ng Miss Universe Philippines 2016 sa Instagram ang pre-nuptial wedding photos nila ni Timmy.
Ramdam na ramdam din sa kanyang caption na tila binibilang na niya ang inaabangang special day sa darating na Oktubre.
Wika niya sa IG post, “Counting down the days till forever!”
Baka Bet Mo: Maxine dumepensa kay Miss Canada, nanawagan sa madlang pipol: Stop this bullying!
Ani pa niya, “With just 3 months to go, we’re turning up the excitement to the max! [ring, red heart emojis] #TimToTheMax #WeddingCountdown”
View this post on Instagram
May isa pang hiwalay na IG post si Maxine na kung saan ay inilahad naman niya kung gaano siya kasaya at ka-thankful dahil malapit na silang mag-isang dibdib ng fiancé.
“Wedding bells are ringing, and the excitement is soaring as we get closer to the big day! Can’t wait to celebrate our love surrounded by cherished friends and beloved family,” mensahe niya.
Dagdag niya, “It’s going to be a day filled with laughter, joy, and unforgettable memories.”
“Let the countdown to the best party of our lives begin!,” lahad pa niya.
View this post on Instagram
Kung matatandaan, taong 2018 pang mag-dyowa sina Maxine at Timmy.
Noong 2022 naman nang ma-engage ang dalawa.
Naganap ang romantic wedding proposal ni Timmy habang nagbabakasyon sila sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.
Makikita sa dating post ni Maxine na ang kanilang mga kapamilya at ilang kaibigan ang nakasaksi sa napakasayang araw sa buhay ng aktres.
Related Chika:
Maxine Medina pinatatag ng pageants para sa showbiz
Sanya hindi ipinapasok sa ulo ang pagiging big star; Maxine enjoy na enjoy magkontrabida
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.