Misis kinukulit si mister sa dream wedding, nag-iiyak na pero dedma lang

Stock image
MGA ka-BANDERA, isa ka ba sa napakaraming babaeng nangangarap pa rin hanggang ngayon na sana’y matupad na ang inaasam na dream wedding?
Kakaloka! Iyan din kasi ang malalim na hugot ng isang businesswoman na until now ay hindi pa rin pinakakasalan sa simbahan ng kanyang asawa.
Ayon sa babaeng negosyante, talagang dream niya noon pa ang makapaglakad sa gitna ng simbahan suot ang kanyang wedding gown ngunit parang wala raw kabalak-balak ang mister niya na tuparin ito kahit pa financially stable na sila.
“Hello! First time ko po mag popost dito. 33 / F / Married / Love Language: Words of Affirmation
“Kasal na kami ng husband ko mag 3 years na sa civil. Biglaang kasal lang kasi nabuntis agad ako ng hindi inaasahan noon,” ang simulang pagbabahagi ng anonymous letter sender sa Facebook page na Peso Sense.
Pagpapatuloy ng business owner, “Pangarap kong maikasal sa simbahan, magsuot ng wedding gown, mag ka prenup photos at video, yung tipong dream wedding ba noon palang kahit hindi ko pa siya kilala. As in pangarap talaga.
“Pero dahil nga biglang nagka baby girl kami at yun ung time na hindi okay yung business ko (business na namin ngayon), at syempre nagse save kami ng pera noon sa panganganak, hindi nagkaroon ng pinapangarap kong kasal sa simbahan,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Liza binanatan ng netizens matapos ipagtanggol si Angel: Shut up na lang, wag nang makialam
Ayon kay misis, mabait naman daw si husband, hindi mahilig sa babae, walang bisyo, at maalaga sa anak, “Pero ewan ko ba, pakiramdam kong wala siyang emotional intelligence. Siguro dahil first girlfriend nya ako?
“May dumaan sa feed kong mag rrenewal of vows, ang nakalagay is BLAH and BLAH are getting married AGAIN! Naiyak ako sa tabi nya. Nakita nya kong umiyak.
“Ang sabi ko sa kanya, kelan kami magpapakasal ulit? Ngayon kasi medyo okay na yung business namin hindi kagaya 2 years ago. di nya ko sinagot.
“Tinanong niya lang bakit ako umiyak. Tapos sinagot ko kung bakit. tahimik lang siya. Sabi ko sa kanya ‘Noon, maiintindihan ko kung bakit wala yung dream wedding ko kasi wala tayong pera noon. pero ngayong may pera na tayo, hindi ko maintindihan bakit hindi.’
“Di pa rin sya umiimik mga mars. Gusto ko ng sakalin. Hindi sya nagsasalita.
Hindi ko naman hinihinging ikasal agad ulit kami ngayong taon eh.
“Gusto ko lang makarinig ng plano kagaya ng ‘Hayaan mo after 3 or 5 years pwede na. Ibibigay ko ung kasal na gusto mo.’ Kaso wala eh,” litanya ng ginang.
“So inopen ko ulit sa kanya after ilang araw. Ang sabi nya is unahin muna namin yung dream house KO. Oo ‘KO’ kasi ganun siya lagi mag address ng mga bagay. Parang ako lang may gusto.
“Kesyo, Madami daw kasing bayarin. Kaso ang sabi ko, ’30 years to pay sa Pag-IBIG yun, so 30 years pa tayo ikakasal ulit.’ End convo na. Naniniwala akong ang bayarin kasi hindi naman yan nauubos.
“Ano ba namang latagan nya ko ng plano nya para maramdaman kong mahal nya ako at may pangarap sya para samin. Ano ba namang kumurot kami kahit magkano sa kinikita namin para makapagtabi sa dream wedding. Kahit 5 years from now man yan.
“Ok lang sana kung marinig ko galing sa kanya. Dream wedding na ako lang pala ang may gusto.
“Feeling ko lumalayo ang loob ko sa kanya sa twing naaalala ko tong convo namin a month ago. Ayoko naman at may anak kami. Valid po ba to or nag iilusyon lang ako at nagdadrama?” ang tanong ni misis sa mga netizens.
Narito ang Ilan sa comments ng mga nakabasa sa wedding hugot ni anonymous girlalu.
“Sana sender nung una pa lang hindi k na muna nagpa buntis, bago mo sinunuod yung init ng katawan nyo, inisip mo sana muna ang dream wedding mo, inisip mo na kung financially ready ba kayo sa dream wedding mo kung mabubuntis ka nya, ang hirap mag demand kung nandyan kna sa sitwasyon na yan, maging grateful ka na lang na mabait at hndi ka binibigyan ng sakit sa ulo ng mister mo, at hindi naman sa iba ginagastos ang pera nyo, para naman sa bahay nyo at investment yun. For me, napaka unfair mo sa mister mo.”
“Kasal na kayo, kaya okey na yun. Yung dream wedding mo, hindi naman kasi basta basta yun. Tsaka dapat parehas nyo gusto, hindi ikaw lang. Mahirap ang gumawa ng desisyon na isang tao lang ang may gusto. Hindi magiging masaya ang dream wedding mo kapag ganun. Na achieve mo nga dream wedding mo, ang tanong? Masaya ba kayo pareho?”
“Uunahin muna ang mga priorities dhil may pamilya na kayo. Maging practical na tayo sa hirap ba naman ng buhay at kumita ng pera.Mag save pra sa emergency funds,everyday gastusin mga bills etc.”
“Basta for me sender dina kaylangan practical lng siguro ako,, pag ako SA setwasyon mo okay na ako ang mahalaga di nag hihirap SA buhay peksMan!”
“Ilusyon lang. Kasal naman na. Dami pa bayarin. Focus ka sa relasyon nyo. Things will fall into its proper place.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.