Jessy ibinandera na ang wedding pictures sa Palawan

Jessy ibinandera na ang wedding pictures sa Palawan: ‘Kayo lang…sapat na’

Pauline del Rosario |February 22,2024
facebook
share this

Jessy ibinandera na ang wedding pictures sa Palawan: ‘Kayo lang…sapat na’

Pauline del Rosario - February 22, 2024 - 10:34 AM

Jessy ibinandera na ang wedding pictures sa Palawan: 'Kayo lang...sapat na'

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

NAG-POST na si Jessy Mendiola ng official photos nila ni Luis Manzano sa naganap na dream wedding nila kamakailan lang.

Magugunita na noong February 15 lamang nang ikinasal ang celebrity couple sa ikalawang pagkakataon na nangyari sa isang exclusive resort sa Coron, Palawan.

Ang nagkumpirma niyan ay ang evening newscast na “TV Patrol.”

At heto na nga, kasabay ng 3rd wedding anniversary ng mag-asawa ay ibinandera na ng aktres sa social media ang pictures nila ni Luis sa kanilang special day.

Kitang-kita sa mga litrato sa Instagram na sweet na sweet ang dalawa kung saan suot ni Jessy ang kanyang simpleng wedding gown, habang si Luis naman ay naka-Barong Tagalog.

Baka Bet Mo: Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Kalakip ng post ng celebrity mom ang mahaba niyang mensahe para sa kanyang mister.

“During our Pre-Cana with father Tito, ang sabi natin hindi na tayo excited ikasal dahil kasal na tayo,” panimula niya sa post.

Ayon sa aktres, maraming bagay ang natutunan niya sa walong taon nilang pagsasama at tatlong taon bilang mag-asawa.

“One of them is that love is not always easy, and that it isn’t supposed to be easy all the time. You have to constantly work hard for it. And that’s okay,” sey niya.

Sambit pa niya, “Today, I’m choosing to work harder for your love and happiness. Tulad nga ng sabi ni father, do not chase excitement… mas importante ang desire. The desire to get married over and over again with that person you chose.”

Kasabay niyan ay binanggit niya ang kanilang first baby na isa sa “biggest blessings” na ibinigay sa kanila ng Diyos.

“And I always say this, kayo lang.. sapat na,” dagdag niya.

Mensahe pa niya kay Luis, “I promise to love our family with all my being. I promise to always choose you over and over again even on our hardest days and I promise to protect our peace and happiness. I love you Peanut… And I love you, my howhow. Forever and always.”

“Happy 3rd anniversary, my love. Thank you for always choosing to love me no matter what. I love you with all my heart [holding back tears, white heart emojis],” ani pa ng aktres sa caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)

Sa comment section, mababasa na nagkomento sa post ang kanyang asawa at sinabing: “I love you my wowow [red heart emojis]”

Bukod pa riyan ay maraming kapwa-artista ang kinilig at bumati sa kanilang anibersaryo.

Kabilang na riyan sina Carla Abellana, Angeline Quinto, Iza Calzado, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masaya ang Palawan wedding nina Luis at Jessy dahil bukod sa kanilang “little bride” na si Baby Rosie ay present din mismo ang kanilang mga magulang.

Kung maaalala, hindi nakadalo ang parents ng mag-asawa sa unang kasal nila noong 2021 na isang civil ceremony.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending