Jessy bad trip sa 'mommy-shamer': Asawa ko nga hindi na-offend

Jessy bad trip sa ‘mommy-shamer’: Asawa ko nga hindi na-offend eh, ikaw pa!

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Jessy bad trip sa ‘mommy-shamer’: Asawa ko nga hindi na-offend eh, ikaw pa!

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 10:21 AM

Jessy bad trip sa 'mommy-shamer': Asawa ko nga hindi na-offend eh, ikaw pa!

Jessy Mendiola

“BEAST mode” ang aktres at celebrity mom na si Jessy Mendiola matapos okrayin ng isang netizen ang kanyang sexy photos sa social media.

Talagang sinupalpal ng wifey ni Luis Manzano ang naturang basher na nagkomento ng nega sa mga ibinahagi niyang litrato sa kanyang Instagram account.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-post ng sexy photos si Jessy after niyang manganak sa panganay nila ni Luis na si Baby Peanut.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa Instagram, ibinahagi ni Jessy ang ilang photos na kuha sa kanyang sexy pictorial para sa kanyang ika-31 kaarawan.

Baka Bet Mo: Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Ang tanging caption na inilagay niya sa rito ay, “31.” In fairness naman sa aktres, talagang na-maintain niya ang kanyang sexy body kahit na nanganak na siya kay Baby Peanut.

Nag-comment agad ang asawa niyang si Luis Manzano sa naturang post, “I love you, and WOW (heart emoji).”

Bukod kay Luis, ilan pa sa mga bumati ng “happy birthday” at napa-wow sa kaseksihan ni Jessy ay ang mga kapwa niya celebrities na sina Alex Gonzaga, Alexa Ilacad, Iya Villania, Carla Abellana, Lara Quigaman, Maxene Magalona, Vina Morales at marami pang iba.

Ngunit may isa ngang netizen ang tumalak at pinagsabihan si Jessy sa pagpo-post ng sexy photos sa IG.

“Dina bagay sayo ganyan may Peanut kana.. Masagwa tingnan,” ang komento ng IG user, na ang tinutukoy ngang “Peanut” ay ang panganay na anak nila ni Luis na si Isabella Rose Tawille Manzano.

Hindi naman pinalampas ni Jessy ang comment ng netizen at talagang niresbakan niya ito nang bonggang-bongga. Aniya, tigilan na sana ang pamamahiya sa mga kababaihan.

Bwela ni Jessy, “So kapag may anak bawal ma maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


“It’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado,” mariin pa niyang sabi.

Baka Bet Mo: Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?

Hindi pa nakuntento rito ang wifey ni Luis at talagang ni-repost pa niya sa kanyang Instagram Story ang comment ng hater.

Aniya sa caption, “JUST WANTED TO SHARE THIS. SANA MATIGIL NA ANG GANITONG THINKING DITO SATIN.

“ASAWA KO NGA HINDI NA-OFFEND EH. IKAW PA KAYA?

“US MOMS ARE ALLOWED TO BE CONFIDENT AND HAPPY IN OUR OWN SKIN.

“LET US BE. WE CAN BE COMFORTABLE WITH OURSELVES AND BE A MOM, TOO.

“ISA LANG SA ROLES NAMIN ANG PAGIGING NANAY.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“SANA MAS DUN TAYO SA WAG KALIMUTAN DIN ANG SARILI NATIN KAHIT NANAY NA.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending