Daniel Padilla may bago nang dyowa, 'Amanda' raw ang pangalan?

Daniel Padilla may bago nang dyowa, ‘Amanda’ raw ang pangalan?

Therese Arceo - July 26, 2024 - 01:43 PM

Daniel Padilla may bago nang dyowa, 'Amanda' raw ang pangalan?

HOW true kaya ang kumakalat na chika na mayroon na raw bagong karelasyon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla?

Sa latest episode ng “Showbiz Update” ng talent manager na si Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Mrena, napag-uaapan nila ang binata dahil may nakarating sa kanyang balita tungkol sa lovelife nito.

“May nag-pm sa akin. Kasi tinatanong ako kung mayro’n na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla.

“At tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girl friend ni DJ ay Amanda,” kuwento ni Ogie.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla sa kapatid na ikakasal na: ‘Ganda smile JC, ah!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pag-amin ni Ogie, wala rin naman siyang alam kung totoo nga ba ang mensaheng ipinadala sa kanya patungkol kay Daniel.

Aniya pa, binabasa at inaantay lang ron naman nila kung ano ang balak iparating mg binata sa kanilang mga fans.

“Hindi naman natin alam ‘yan. Talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala na sila—si Daniel, si Kathryn [Bernardo] kung mayro’n silang gustong sabihin sa mga fans,” sey ni Ogie.

Napag-usapan rin nina Ogie, Mama Loi, at Mrena ang patuloy na pagtukso ng mga netizens kay Kathryn Bernardo at Dominique Roque.

Matatandaang datinf magkarelasyon sina Daniel at Kathryn na mas kilala sa kanilang love team bilang KathNiel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong November 2023 ay inanunsyo mismo ni Kathryn sa kanyang Instagram post na nagdesisyon na silang mag-break matapos ang 11 years.

Samantala, wala pa namang inilalabas na paglilinaw o pahayag si Daniel hinggil sa isyu.

Nananatili namang bukas ang BANDERA para sa pahayag ng kampo ng binata tungkol sa kumakalat na chika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending