Video scandal daw ni Mark Anthony pinagkakakitaan sa socmed

Video scandal daw ni Mark Anthony pinagkakakitaan sa socmed: DAKS yarn

Ervin Santiago - July 24, 2024 - 02:31 PM

Video scandal daw ni Mark Anthony pinagkakakitan sa socmed: DAKS yarn

Mark Anthony Fernandez

PATULOY pa ring pinagpipiyestahan ng mga netizens ang umano’y kumakalat na video scandal ng aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Sa naturang video, makikita ang isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Mark Anthony. Nakahubad ito sabay pakita ng kanyang are sa harap ng camera.

Ilang sandali lamang ang lumipas ay may isang babaeng lumabas sa video saka nila sinimulan ang pagtatalik. Maikli lamang ang naturang video at medyo malabo rin ang pagkakakuha.

Marami ang naniniwala na ang aktor nga ang nasa video pero may mga nakapanood naman nito na kamukha lang daw ng aktor ang lalaking nakahubo’t hubad.

Baka Bet Mo: Vice Ganda muling ibinandera ang pagmamahalan nila ni Ion Perez sa buong universe: ‘Ours is not just a simple love story…it’s revolutionary’

Isang source naman ang nakapagsabi sa amin na kuha raw ang video sa isang eksena na ginawa ni Mark sa pelikulang “Scorpio Nights 3” kasama ang Vivamax Bombshell na si Christine Bermas kung saan buong-tapang na nagpakita ng kanyang private part ang aktor.

Pero mas marami kaming nabasang comments sa social media na humahanga sa “kadakilaan” ng aktor – may ipagmamalaki naman daw ito kaya may karapatan siyang ibandera ang itinatagong pagkalalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Samantala, may nakita naman kami sa social media na tila pinagkakakitaan pa ng ilang netizens ang kumakalat na video scandal umano ng aktor.

Maikli lang kasi ang video na kumalat sa socmed kaya may mga nag-aalok sa mga nais daw mapanood ang kabuuan ng video pero kailangan muna nilang magbayad sa pamamagitan ng isang app.

In fairness, may mga nagnasa naman kay Mark Anthony dahil sa nasabing viral video at karamihan ay mga beki na na-shookt sa kanilang napanood. Super daks daw pala ng aktor at talagang may ipagmamalaki.

Baka Bet Mo: Young actor ubod pa rin ng yabang kahit minalas at nawalan ng raket dahil sa video scandal

Balitang nakarating na ito sa mga executives ng Viva Artists Agency (VAA) na siyang nangangalaga sa showbiz career ni Mark Anthony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong na lang, gawan kaya ng kaukulang aksyon ng VAA ang pagkalat ng umano’y video scandal ni Mark o dedma na lang lalo pa’t may bagong pelikula ang aktor sa Vivamax?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending