Young actor ubod pa rin ng yabang kahit minalas at nawalan ng raket dahil sa video scandal Bandera

Young actor ubod pa rin ng yabang kahit minalas at nawalan ng raket dahil sa video scandal

Ervin Santiago |July 01,2021
share this

Young actor ubod pa rin ng yabang kahit minalas at nawalan ng raket dahil sa video scandal

Ervin Santiago July 01, 2021 - 12:48 PM

INATAKE raw ng matinding depresyon ang isang young actor nang dahil sa kanyang video scandal na naging dahilan ng pagkawala ng ilang projects na dapat sana’y nakalaan sa kanya.

Ngunit sa halip na magpakumbaba at magsisi ay balitang wala pa ring kupas ang pagiging maangas at mayabang ng binatang aktor.

Ayon sa ating source, tila wala nang epekto sa kanya ngayon ang kahihiyang dulot ng naranasang iskandalo kaya balik na naman siya sa dating gawi.

Sabi ng aming kausap, dapat ay nagpahinga muna siya nang bongga ngunit makalipas nga lang ng ilang linggo ay balik na naman ang aktor sa kanyang kayabangan pati na sa pagpo-post ng kanyang mga sexy dance video.

Every time kasi na nagpo-post siya ng something sexy ay hindi maiwasan ng netizens na ikonek ulit ito sa kanyang mahalay na video na talaga namang hindi maitatanggi dahil lantad na lantad doon ang kanyang mukha.

Wala na dapat siyang face na ihaharap after kumalat ng nasabing video pero heto nga at may mga nababalitaan pa rin ang ating source na mga insidente ng pagmamaangas ng aktor.

Sabi pa ng ating source, wala na raw yatang sense of reflection ang lalaking ito. Kung tinamaan ka ng malaking dagok sa buhay ay dapat mag-reflect ka muna o magmuni-muni pero mukhang deadmadela na nga ang binata.

Matatandaang nag-on and off ang aktor na ito sa social media pero hindi siya nakakatiis at tuloy pa rin ang pagkakalat online. Sa TikTok nga hataw na hataw siya pagbabalandra ng kanyang katawan.

‘Yun nga lang, hindi na niya maibandera ang mukha sa mga billboard at endorsement dahil may bahid na ito ng kanyang scandal. Sayang na sayang ang mga opportunity na ‘yun.

Sey ng source, with or without video, paano mo naman kukuhain ang kagaya niya na mayabang at mataas ang tingin sa sarili. E, ‘yung mga sikat na artista nga ay hindi mo naman makikitaan ng kayabangan, huh!

Sa ngayon ay abala ang feeling matinee idol na ito sa pangongolekta ng mga regalo mula sa mayayamang tagahanga sa Amerika na nahuhumaling sa mga sexy video niya. 

Wala siyang paki basta gets lang siya nang gets ng mga ibinibigay sa kanya. Pagtatapos na chika pa ng aming kausap, “Hindi kaya pineperahan pa niya ang mga ito?”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending