Yasser Marta binabastos dahil sa sexy photos: Game ka sa P500k?

Yasser Marta binabastos dahil sa sexy photos: Game ka sa P500k?

Ervin Santiago |November 26,2023
facebook
share this

Yasser Marta binabastos dahil sa sexy photos: Game ka sa P500k?

Ervin Santiago - November 26, 2023 - 08:43 AM

Yasser Marta binabastos dahil sa sexy photos: 'Game ka ba sa P500k?'

Yasser Marta at Claudine Barretto

MAS dumami pa ngayon ang mga nambabastos at nag-aalok ng indecent proposal online sa Kapuso actor at “Eat Bulaga” host na si Yasser Marta.

Isa sa mga dahilan nito ay ang pagpo-post niya ng kanyang sexy photos sa social media kabilang na ang ginawa niyang pictorial para sa isang underwear brand.

Nakachikahan namin ang binata sa nakaraang presscon ng bago niyang project sa GMA 7, ang “Lovers/Liars” na pinagbibidahan ng nagbabalik-Kapuso na si Claudine Barretto.

Ayon kay Yasser, sobrang nagpapasalamat siya sa mga bossing ng GMA dahil sa kanya ipinagkatiwa ang role bilang leading man ni Claudine  sa comeback series nito after how many years.

Gaganap ang aktor sa serye bilang isang young architect na magkakaroon ng bawal na relasyon sa kanyang boss plated by Claudine. Pagtataksilan niya ang kanyang girlfriend na gagampanan ni Shaira Diaz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“I saw Ms. Claudine’s movies then with my mom, like ‘Milan’, ‘Dubai’, and I never expected that one day, we’d be working together.

“Siyempre, kabado ako when we first shot together. I felt ‘yung pressure as it felt surreal na kaeksena ko ang isa sa pinakamagaling na aktres sa ating bansa.

Baka Bet Mo: Yasser Marta game na game sa paghuhubad: Wala naman akong dapat ikahiya

“Working with her, kinikilig ako at para akong nakukuryente. Napakagaling niyang aktres, lalo na in conveying different emotions, at kapag tumitig siya, madadala ka talaga sa eksena,” pahayag ng hunk actor.

Paglalatawan pa niya kay Claudine, “Wala siyang ere. She talks to everyone on the set. Mabait siya and I really enjoyed working with her. Pati na rin with our director, Crisanto Aquino. I learned so much from both of them on how to interpret my role well.”

At dahil medyo dark and sexy ang tema ng “Lovers/Liars”, natanong ang aktor kung mapapalaban ba siya kay Claudine sa mga love scenes.

“Meron sa script, pero hindi pa nakukunan. Pinag-uusapan pa kung paano ang gagawing atake. Siyempre, kinakabahan ako but I told Direk Cris na okay lang sa’kin kahit anong ipagawa niya. No limitation for me,” aniya.

Samantala, nagsalita rin si Yasser tungkol sa napapabalita na mas dumami pa raw ang mga natatanggap niyang indecent proposals mula sa mga bading at matrona dahil nga sa mga pa-yummy pictures niya sa socmed.

Aniya, dahil din sa mga sexy photos niya ay marami rin ang nambabastos sa kanya, “Yes, I did. Maraming bastos sa mga nagtsa-chat sa akin. Merong nagtatanong kung magkano raw ang presyo ko. Game raw ba ako sa P500,000?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasser Marta (@itsyassermarta)


“Pero dedma lang ako at hindi ko pinapansin. Baka kung P1 million pa or with house and lot! Ha-hahahaha!” birong chika pa ni Yasser.

Baka Bet Mo: Yasser Marta feeling suwerte kay Maine: Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala…

Single na single raw siya ngayon at wala munang balak pumasok sa panibagong relasyon after ng breakup nila ng Kapuso actress na si Kate Valdez. Isang taon din silang tumagal ng dalaga.

“It’s a mutual decision kasi we both got busy. I’m now with ‘Lovers/Liars’ and she’s in the cast of ‘Shining Inheritance’. Also, nagkasakit kasi ang mother ko.

“She had a stroke at ako nag-alaga at nagbabantay sa kanya. So sa ngayon, focus muna ako sa mom ko at sa work ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Du’n pa lang, ubos na ang oras ko. MWF nagte-taping ako for ‘Lovers/Liars’ and TThS naman nasa ‘Eat Bulaga’ ako. So wala na akong time sa lovelife. And I know, may tamang panahon uli para diyan,” sabi pa ni Yasser.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending