Yasser Marta gustong 'maka-date' ang idol na si John Lloyd Cruz: Pangarap ko talagang makatitigan siya... | Bandera

Yasser Marta gustong ‘maka-date’ ang idol na si John Lloyd Cruz: Pangarap ko talagang makatitigan siya…

Ervin Santiago |September 20,2022
facebook
share this

Yasser Marta gustong ‘maka-date’ ang idol na si John Lloyd Cruz: Pangarap ko talagang makatitigan siya…

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 07:46 AM

John Lloyd Cruz, Heart Evangelista at Yasser Marta

ABANGERS na ang mga fans nina Yasser Marta at Althea Ablan sa una nilang pagtatambal sa “Win A Date” episode ng weekly drama anthology ng GMA na “Regal Studio Presents”.

Mapapanood na ito sa darating na Linggo, September 25, kung saan gaganap si Yasser bilang isang matinee idol habang si Althea naman ang die hard fan na nanalo sa pa-date promo ng kanyang idol.

Sa naganap na virtual mediacon para sa bagong episode ng “Regal Studio Presents” natanong si Yasser kung siya ang sasali at mananalo sa isang win-a-date contest, sino sa mga celebrities ang pipiliin niya?

Unang sagot ni Yasser ay si John Lloyd Cruz, “Puwede ko ba siyang maka-date? Ha-hahaha!” 

Sey ng Kapuso hunk, kapag naka-date niya si John Lloyd na matagal na niyang idol, ay hihingi siya rito ng acting tips, “Parang, pangarap kong makatitigan si John Lloyd, e.

“Alam mo yun, magtititigan lang kami, parang gusto kong ma-lost sa mga mata niya,” aniya pa.

“Sa babae naman, siguro si…yung pinaka-crush ko talaga si Heart (Evangelista). Siguro kung kami ni Heart, du’n kami magde-date sa Paris!” sabi pa ni Yasser.

Hirit pa ng binata, “Dadalhin ko siya du’n… diyan sa may paresan, sa may Banaue.”

Samantala, isa si Yasser sa mga artistang hindi nababakante sa trabaho. Bukod sa “Regal Studio Presents” ay ka-join din siya sa primetime series na “What We Could Be” kasama sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

View this post on Instagram

A post shared by Yasser Marta (@itsyassermarta)


“Kasi, lalo ngayon nu’ng nagsimula yung pandemya, nag-e-explore na tayo, nagkakaroon tayo ng mga collaboration with other teams,” ani Yasser na ang tinutukoy ay ang pakikipag-collab ng GMA sa ibang production companies tulad ng Regal, Viva at maging sa ABS-CBN.

“Kaya ayun, ang laking tulong rin sa amin bilang mga actor kasi mas lumalawak yung nakukuha naming knowledge sa lahat ng mga nakakasama namin, lalo dito ang gagaling ng mga director.

“Hindi lang siya pang-TV, para rin kaming gumagawa ng pelikula, ganun yung dating. 

“Kasi napakaganda, from the team, sa cast, sa production, sa staff, sa cinematography, sa kuwento, lalo na sa scriptwriter, ang gaganda ng kuwento. Kaya ayun kakaibang opportunity sa amin ito,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/323627/yasser-marta-althea-ablan-lianne-valentin-almira-muhlach-bibida-sa-anniversary-pasabog-ng-regal-studio-presents

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302625/yasser-marta-sa-mga-ayaw-pa-ring-magpaturok-huwag-kayong-matakot-ang-dami-na-naming-bakunado-na
https://bandera.inquirer.net/305499/yasser-marta-sinuwerte-kay-maine-sobrang-hindi-pa-rin-ako-makapaniwala
https://bandera.inquirer.net/322245/yasser-marta-game-na-game-sa-paghuhubad-wala-naman-akong-dapat-ikahiya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending