Maxine Medina ready nang mag-’I Do’ sa fiancé na si Timmy Llana

Maxine Medina ready nang mag-’I Do’ sa fiancé na si Timmy Llana, 2 beses ikakasal

Pauline del Rosario |August 19,2023
facebook
share this

Maxine Medina ready nang mag-’I Do’ sa fiancé na si Timmy Llana, 2 beses ikakasal

Pauline del Rosario - August 19, 2023 - 10:23 AM

Maxine Medina ready nang mag-’I Do’ sa fiancé na si Timmy Llana, 2 beses ikakasal

PHOTOS: Instagram/@maxine_medina

MUKHANG all set na ang lahat para sa inaabangang kasal ng actress-beauty queen na si Maxine Medina at non-showbiz fiancé na si Timmy Llana.

Ayon sa ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe, nakuha na ng soon-to-be husband and wife ang kanilang wedding rings.

Dalawang singsing pa nga ang binili ni Maxine – isang wedding ring at isang eternity ring.

Ibinunyag ng couple na dalawang beses kasi silang ikakasal na kung saan ay gaganapin ito sa beach at sa simbahan.

“Kasi ‘yung beach talaga is our dream wedding,” sey ng beauty queen sa interview ng journalist.

Baka Bet Mo: Maxine dumepensa kay Miss Canada, nanawagan sa madlang pipol: Stop this bullying!

Aniya pa, “But as respect to our parents, they wanted sa church.” 

Dagdag naman ni Timmy, “We have to do a Catholic wedding first.”

Magugunita noong nakaraang buwan lamang, proud na ibinandera ng Miss Universe Philippines 2016 sa Instagram ang pre-nuptial wedding photos nila ni Timmy.

At doon niya sinabi na sa darating na Oktubre magaganap ang kanilang kasal.

“With just 3 months to go, we’re turning up the excitement to the max! [ring, red heart emojis] #TimToTheMax #WeddingCountdown,” wika niya sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina)

Kung matatandaan, taong 2018 pang mag-dyowa sina Maxine at Timmy.

Noong 2022 naman nang ma-engage ang dalawa.

Naganap ang romantic wedding proposal ni Timmy habang nagbabakasyon sila sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.

Makikita sa dating post ni Maxine na ang kanilang mga kapamilya at ilang kaibigan ang nakasaksi sa napakasayang araw sa buhay ng aktres.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxine Medina excited nang ikasal sa Oktubre: Counting down the days till forever!

Maxine Medina pinatatag ng pageants para sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending