Maxine Medina, Timmy Llana nagpakasal muna sa simbahan bago ang bonggang beach wedding sa Palawan | Bandera

Maxine Medina, Timmy Llana nagpakasal muna sa simbahan bago ang bonggang beach wedding sa Palawan

Ervin Santiago |October 04,2023
facebook
share this

Maxine Medina, Timmy Llana nagpakasal muna sa simbahan bago ang bonggang beach wedding sa Palawan

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 02:10 PM

Maxine Medina, Timmy Llana nagpakasal muna sa simbahan bago ang bonggang beach wedding sa Palawan
IKINASAL na ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Maxine Medina sa kanyang diving instructor partner na si Timmy Llana.

Naganap ito kahapon, October 3, sa  Immaculate Heart of Mary Church sa Daang Bakal Road, Antipolo City. Si Rev. Fr. Aniceto Abiera ang nag-officiate ng kanilang church wedding.

Isinagawa naman ang reception ng kasal sa Kalinaw Private Resort sa Buliran Road, Antipolo.

Ayon sa mga ulat, very intimate ang kasal nina Maxine at Timmy na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kamag-anak.

Inihatid si Maxine sa altar ng kanyang mga magulang na sina Maximo Guillermo Medina at Ma. Fe Benedicta Medina, habang present din ang parents ni Timmy na sina Marcello Llana at Teresa Lim.

Balitang tatlong ninong lamang ang imbitado sa wedding – ang manager ni Maxine na si Jonas Gaffud, head ng Empire.PH at Mercator Artist and Model Management, si Jerry Diaz at si Ben Chan, ang may-ari ng Bench.

Wala raw mga ninang, pati mga abay, flower girl at ring bearer sa church wedding ni Maxine. Ang balita kasi, magkakaroon pa ng second wedding sina Maxine at Timmy.

Baka Bet Mo: Maxine Medina ready nang mag-’I Do’ sa fiancé na si Timmy Llana, 2 beses ikakasal

Magaganap ang bonggang beach wedding ceremony ng bagong kasal sa Club Paradise sa Palawan sa October 10 kung saan inaasahang dadalo ang kanilang mga kaibigan, kabilang na ang mga kapwa beauty queen ni Maxine.

Ang nanay daw mismo ni Maxine ang nag-request na magpakasal muna sila ni Timmy sa simbahan bago ang kanilang beach wedding sa Palawan.

“Kasi ‘yung beach talaga is our dream wedding, but, as a sign of respect to our parents they wanted it sa church,” sabi ni Maxine sa isang panayam.

Nauna rito, sa kanyang Instagram post, inilahad ng aktres kung gaano siya kasaya at ka-thankful dahil malapit na silang ikasal ni Timmy.

“Wedding bells are ringing, and the excitement is soaring as we get closer to the big day! Can’t wait to celebrate our love surrounded by cherished friends and beloved family.

“It’s going to be a day filled with laughter, joy, and unforgettable memories. Let the countdown to the best party of our lives begin!” aniya pa.

Kung matatandaan, taong 2018 pa naging magdyowa sina Maxine at Timmy. Noong 2022 naman nang ma-engage ang dalawa.

Naganap ang romantic wedding proposal ni Timmy habang nagbabakasyon sila sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.

Related Chika:
Maxine dumepensa kay Miss Canada, nanawagan sa madlang pipol: Stop this bullying!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxine Medina excited nang ikasal sa Oktubre: Counting down the days till forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending