Janine Gutierrez nagtatalon na parang bata nang abutan ng pera ni Annabelle Rama noong Pasko | Bandera

Janine Gutierrez nagtatalon na parang bata nang abutan ng pera ni Annabelle Rama noong Pasko

Ervin Santiago |December 29,2022
facebook
share this

Janine Gutierrez nagtatalon na parang bata nang abutan ng pera ni Annabelle Rama noong Pasko

Ervin Santiago - December 29, 2022 - 06:59 AM

Janine Gutierrez nagtatalon na parang bata nang abutan ng pera ni Annabelle Rama

Annabelle Rama at Janine Gutierrez

PARANG batang nagtatalon ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez nang Pamaskuhan ni Annabelle Rama ng pera.

Tuwang-tuwa si Janine nang abutan ng ilang P1,000 peso bills ng nanay nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez sa kanilang Christmas party noong mismong araw ng Pasko.

Sa video na ipinost ng tiyahin niyang si Ruffa sa Instagram, makikita nga si Annabelle Rama na namimigay ng cash sa mga miyembro ng kanilang pamilya, kabilang na nga riyan si Janine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


In fairness, nagpasabog ito ng good vibes sa mga netizens kaya naman napakaraming nag-iwan ng comments sa nasabing IG post ni Ruffa. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Napaka-genuine ng reaction ni Janine. Parang nun lang nakahawak ng pera. Ang cute lang,”

“Para siyang bata. Ang genuine niya. Tuwang tuwa.”

“Kahit na may trabaho na rin ako ganyan din yung feeling nung nakatanggap ako hahaha libre inabot sakin eh natural lang magtatalon or tumambling pa sa tuwa.”

“Iba pa rin kasi makatanggap ng cash or gift from your family eh. Kahit naman ako mapapatalon din, Kahit na may sarili kang income,”

“Kung ako rin abutan ng isang libo matutuwa ako e.”

“Yung feeling na kahit meron ka rin naman nun o kayang bumili pero pag may nagbigay sayo at naka alala sobrang sarap pa rin sa pakiramdam.”

“Sana all may mabait at galanteng lola.”

“Parang gusto ko na talagang magpa ampon kay annabelle rama! Siguradong makakaipon ako ng pambili ng bahay kapag naging lola ko rin siya.”

Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

‘New look’ ni Annabelle Rama, aprub sa mga netizens: ‘Mas bumata ka po’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending