Kiray may inamin sa natatakot at tumatawag ng maldita kay Marian

Kiray may inamin sa mga natatakot at tumatawag ng maldita kay Marian

Ervin Santiago |March 25,2024
facebook
share this

Kiray may inamin sa mga natatakot at tumatawag ng maldita kay Marian

Ervin Santiago - March 25, 2024 - 08:22 AM

Kiray may inamin sa mga natatakot at tumatawag ng maldita kay Marian

Kiray Celis at Marian Rivera

NAKAKATAKOT! Maldita. Mahirap katrabaho. Ilan lang yan sa mga salitang ikinakabit sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Actually, matagal nang natsitsismis na nakakaloka raw katrabaho si Marian at kung anu-ano ngang malilisyosong kuwento ang naglalabasan tungkol sa kanyang tunay na ugali.

Kaya naman sa grand mediacon ng comeback series ng wifey ni Dingdong Dantes, ang “My Guardian Alien”, nagsalita na ang isa sa mga cast members ng programa na si Kiray Celis.

Naglabas ng resibo ang komedyana at pinatunayang fake news ang mga kanegahang kuwento tungkol sa lead star ng kanilang bagong teleserye.

Baka Bet Mo: Marian gaganap na alien; Bea, Carla, Gabbi paistaran sa ‘Widow’s War ng GMA

Ayon kay Kiray, ito ang unang pagkakataon na nakasama niya sa isang project si Marian at nagpapasalamat siya nang bonggang-bongga sa GMA 7 dahil isa siya sa mga masusuwerteng napili para maging bahagi ng napakagandang protekto.

“Ako na ‘yung magsasabi. Siyempre kapag sinabi mong Marian Rivera, ang daming magsasabi sa ‘yo, ‘Naku, makakatrabaho mo si Marian. Good luck sa ‘yo.’

“May mga ganu’n diba? Tatakutin ka, aanuhin ka, sasabihin sa ‘yo lahat ng hindi magaganda,” chika pa ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero sa totoong buhay po, lahat ng nagsabi sa ‘kin nu’n, gusto kong balikan isa isa kasi lahat po ‘yun mali. Lahat po ‘yun, kabaligtaran sa lahat ng sinasabi nila,” mariing sabi pa ng komedyana.

Pagtatanggol pa niya kay Marian, mukha lang daw talagang “intimidating” ang datingan ng aktres pero sa totoong buhay daw napakabait nito at sobrang maalaga.

Baka Bet Mo: Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!

“Kung gaano nila sinasabing nakakatakot, sobrang nakakatawa. Kung gaano sinasabi nila maldita, sobrang kulit. Ayain mo du’n sa gilid, hindi maarte. Sasabihin lang maarte, kabaligtaran po ‘yun sa lahat ng nakikita niyo,” lahad pa ng Kapuso comedienne.

“Lahat kami nararamdaman ‘yun and very thankful kami na naka-work namin si Ate Yan,” dagdag pa niya.

Iikot ang kuwento ng “My Guardian Alien” sa isang babaeng alien na nagngangalang “11-1-20-8-5-22-9-12-5” na gagampanan nga ni Marian. Mapapadpad siya sa planetang Earth matapos magkaroon ng accidental crash mula sa outer space.

Sa pagdating niya sa mundo ng mga tao, makikilala niya ang mag-amang Carlos (Gabby Concepcion) at Doy (Raphael Landicho) na nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang ilaw ng tahanan na si Katherine. Ang isa sa plot twist, kamukhang-kamukha ng alien si Katherine.

Ang “My Guardian Alien” ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay at ka-join din dito sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray, at Marissa Delgado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa GMA Prime ang “My Guardian Alien” simula sa April 1 after “Black Rider.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending