Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Echosera raw ako!

Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!

Ervin Santiago |March 24,2024
facebook
share this

Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 11:47 AM

Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!

Gabby Concepcion at Marian Rivera

PROUD na proud ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa comeback series niya sa GMA 7 na “My Guardian Alien.”

Ito ang pagbabalik ng aktres at celebrity mom sa primetime makalipas ang mahigit limang taong pamamahinga da paggawa ng teleserye.

Baka Bet Mo: Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

Ang last TV series na pinagbidahan niya ay ang “Super Ma’am” na umere noong  2017. Mas nag-focus kasi si Marian sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, lalo na sa mga anak nila ni Dingdonf Dantes – sina Zia at Sixto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa naganap na grand mediacon ng “My Guardian Alien” ay natanong si Marian kung bakit ito ang napili niyang maging comeback teleserye.

“Noong nag-present sa akin ang GMA, ito talaga ang nagustuhan ko na sabi ko, ‘Ay, ang ganda nitong gawin.’ Kasi, bago sa akin at sure ko na mapapanood ng mga anak ko.

“Kasi gusto kong gumawa ng isang serye na mapapanood ng mga anak ko at magiging proud ako.

“Sabi ko nga, ito na siguro yung moment ko sa buhay ko na tuwing may gagawin ako, gusto ko na maging proud yung mga anak ko sa akin. So, ito yung My Guardian Alien,” pahayag ni Marian.

Baka Bet Mo: Heart sinisi ang sarili matapos ‘maligaw’; tinawag na ‘guardian angel’ si Chiz: ‘I hated you for the wrong reasons’

Dagdag pa niya, “Nakita mo naman ang aming AVP (audio-visual presentation) sabi ko nga, parang worth it lahat ng paghihintay para gawin ko ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aminado naman ang wifey ni Dingdong na talagang nahirapan siya nu’ng mga unang araw ng kanilang taping, “Yung adjustment, noong una talaga na sumabak ako sa taping, nahirapan talaga ako.

“Kasi, after five years, nagbabalik ako sa soap, hindi ko alam kung saan ang anggulo ko, nasaan ang lighting, so, nangapa talaga ako.

“Sabi nila echosera raw ako, pero hindi, parang ang hirap mag-memorize ng lines. Pero dahil sa tulong ng mga tao sa paligid ko, naging madali ang trabaho ko,” aniya pa.

Super thankful naman ang aktres at TV host sa direktor ng kanilang serye na si Zig Dulay dahil talagang inaalalayan siya nito sa kanyang mga eksena.

“Lalo na kapag alam niyang mahahaba ang eksena ko, pinupuntahan niya ko every time. At si Direk, hindi rin nagkulang sa akin kung ano ang mga dapat kong ipakitang acting sa soap na ito.

“Kasi bago nagsimula ang lahat, nag-usap kami. Sabi ko, Direk, medyo mahirap ito. Sabi ko sa GMA, kung bibigyan niyo ako ng soap, wag masyadong pahihirapan.

“At sa sobrang dali, wala akong lines minsan, kasi nga, alien ako,” sey pa ni Marian sabay tawa.

“Naging mas madali para sa akin at sabi ko nga, ito yung nilu-look forward ko. Yung makagawa ako ng magandang proyekto na mapapanood ng mga anak ko na magiging proud sila.

“And, at the same time, proud akong sabihin na nakagawa ulit ako ng pamilya dahil sa show na ito. So lahat ng ito, e, blessing para sa akin,” lahad pa ng aktres.

Sa pagbabalik nga niya sa primetime, nakakaramdam pa ba siya ng pressure? “Ayokong isipin ang pressure sa buhay. Mas gusto ko sigurong i-look forward kung ano ang ma-i-o-offer natin sa mga manonood natin, which is, eto nga, magandang kuwento, may mapupulot silang aral.

“So mas iyon ang nilu-look forward ko, kung ano ang mga good feedback sa kanilang mapapanood,” paliwanag ni Marian Rivera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ang “My Guardian Alien” simula sa April 1 sa GMA Prime. Makakatambal ni Marian dito for the first time si Gabby Concepcion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending