Veteran star Marissa Delgado umaming natakot kay Marian

Veteran actress Marissa Delgado umaming natakot kay Marian Rivera

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 06:57 AM

Veteran actress Marissa Delgado umaming natakot kay Marian Rivera

Marian Rivera at Marissa Delgado

KNOWS n’yo ba na kahit ang veteran actress na si Marissa Delgado ay natakot nang makatrabaho ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera?

Inamin ni Marissa na nu’ng mga unang araw ng taping nila para sa latest and upcoming primetime series ng GMA na “My Guardian Alien” ay may fear factor siya at ilag na ilag sa wifey ni Dingdong Dantes.

Ang beteranang aktres ang gumaganap na masungit at mataray na biyenan ni Katherine, ang karakter na ginagampanan ni Marian sa “My Guardian Alien.”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta natakot nang halos umabot sa 250 pounds: I felt a lot of guilt

Kuwento ni Marissa, first time niyang makakasama si Marian sa isang project. Sagot ng veteran star nang kumustahin ang experience niya working with the Box-Office Queen, “Okay naman. Okay naman, di ba?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nu’ng una, siyempre ako, una ko siyang makakatrabaho, nanonood lang ako sa kanya. Nginingitian ko at saka ‘hello, hi!’

“Ang ganda, ang payat! Napaka-fragile mo (sabi kay Marian), beso-beso, tapos balik na ako sa baba. Si Marian, du’n naman sa kuwarto niya,” chika pa ni Marissa.

Patuloy niya, “Minsan lang kami nagkakaeksena, but lately, this is what I felt. Parang close na. It’s more than just hi, hello!

“At saka nu’ng una natatakot ako, hindi na ngayon. Medyo ilag ako, siguro dahil tagahanga niya ako. Gandang-ganda ako sa batang ito!” sey ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Reaksiyon naman ni Marian sa naging pahayag ni Marissa, “Alam n’yo, sa bawat tao na humahanga sa yo o ginugusto ka, e, malaking factor yon sa pagkatao ko. Kasi ibig sabihin, nakaka-influence ako sa kanila.

“Anuman yan, sa pag-arte man yan, sa hitsura man yan, sa pananaw mo man sa buhay.

“So, ang maganda niyan is nagiging magandang influence ka o magandang bahagi ka ng buhay nila. Blessed ako kapag may mga ganoong tao sa akin,” pahayag pa ng wifey ni Dong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eere na simula sa April 1 ang “My Guardian Alien” sa GMA Prime, kung saan makakatambal niya ang Ultimate Leading Man na si Gabby Concepcion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending