Apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia game sa 'unli hubaran': I have no restrictions, ako ang pinakapalaban sa lahat! | Bandera

Apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia game sa ‘unli hubaran’: I have no restrictions, ako ang pinakapalaban sa lahat!

Ervin Santiago |October 26,2022
facebook
share this

Apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia game sa ‘unli hubaran’: I have no restrictions, ako ang pinakapalaban sa lahat!

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 07:49 AM

Apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia game sa 'unli hubaran': I have no restrictions, ako ang pinakapalaban sa lahat!

Andrea Garcia

MAY bago na namang pagpapantasyahan ang mga kalalakihang subscribers ng Vivamax — ang wala ring inuurungan pagdating sa hubaran na si Andrea Garcia.

Kasama si Andrea sa 8-part series na “Secrets of a Nympho” at sa pelikulang “Alapaap” na parehong mapapanood sa streaming app na Vivamax.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Andrea ay apo ng veteran actress na si Marissa Delgado. Ang tatay niya ay ang anak ni Marissa na si Kevin Delgado na nag-try din noon ng kanyang suwerte sa showbiz

Kuwento ni Andrea sa virtual mediacon ng “Alapaap”, “My grandma has been pushing me to try acting noon pa but it’s only now that I got to put my mind into it. When I finally joined showbiz, hindi ko ipinaalam sa kanila. Na-surprise na lang sila.”

Unang nakilala at sumikat ang dalaga bilang social media influencer, partikular na sa Instagram at TikTok kung saan libu-libo na rin ang kanyang followers.

Hanggang sa ma-discover na nga siya ng Viva Artists Agency at papirmahin ng kontrata. Una siyang lumabas sa Vivamax Originals na “Iskandalo” at “High on Sex”.

Sabi ni Andrea, “Bata pa ako, sumasama ako sa tapings ng grandma ko where I met some big stars. Then I tried taking acting workshops.

“I’m in second year college but I decided to put it on hold muna while I try my luck in acting, also singing and hosting. But acting is really my top priority now,” chika ng baguhang Vivamax bombshell.

Idol ba idol daw niya ang original Dyosa na si Anne Curtis, “I’ve seen all her films and she’s very good. Her acting comes from the heart.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Garcia (new account)🤍 (@andreagarcia.x)


“I also like her as host in ‘Showtime’ kasi ang lakas ng charisma niya. And I want to think that like her, I have a bubbly personality.

“As of now, I’ve started doing sexy projects for Vivamax but like her, I want to be eventually recognized for my talent, my acting,” aniya pa.

Ano naman ang mga payo sa kanya ng lola niyang si Marissa Delgado sa pagpasok niya sa showbiz?  “She told me what to expect, both the good and the bad. But now that I’m in showbiz, it’s much more than what I expected.

“But I’d like to think that I am growing in this journey ng pagsali ko sa showbiz. Basta lahat ng projects na ibibigay nila sa akin, pagbubutihan ko lagi,” sagot ni Andrea.

Paano naman niya ilalarawan ang kanyang sarili bilang sexy actress?  “I have no restrictions. Wala akong katulad, kasi palaban ako. Ako ang pinakapalaban sa lahat! Ha-hahaha!”

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Brillante Mendoza nabitin, nakulangan pa sa hubaran at churvahan sa ‘Virgin Forest’: Kung walang limitasyon, mas malala pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beking direktor nakaiskor sa 2 young actor kapalit ng bagong project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending