Ryssi Avila nakipagtalakan sa kapatid ng ex-dyowa, inilalayo nga ba ang anak? Bandera

Ryssi Avila nakipagtalakan sa kapatid ng ex-dyowa, inilalayo nga ba ang anak?

Therese Arceo |January 25,2023
share this

Ryssi Avila nakipagtalakan sa kapatid ng ex-dyowa, inilalayo nga ba ang anak?

Therese Arceo - January 25, 2023 - 07:20 PM

Ryssi Avila nakipagtalakan sa kapatid ng ex-dyowa, inilalayo nga ba ang anak?

MATAPOS ang pa-baby reveal ng social media personality at “Idol Philippines” season 2 na si Ryssi Avila ay ang pag-usbong ng curiosity ng mga netizens kung sino nga ba ang ama ng kanyang anak.

Wala kasing binanggit na pangalan ang social media star at nag-focus ito sa pagkuwento patungkol sa kanilang dalawa.

Ngunit kusa namang umamin ang baguhang aktor na si Jet Delgado nang ibandera nito sa kanyang social media account ang larawan nila ni baby Anghel na siyang hudyat o kumpirmasyon na siya ang ama ng bata.

Si Jet ay ang dating boyfriend ni Ryssi na bumandera sa pelikulang “Pornstar 2”.

Ngunit sa kabila ng pa-reveal ng mang-aawit ay ang kapansin-pansing sagutan nila ni Andrea Garcia, kapatid ni Jet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RYSSI (@imryssi)

Sina Jet at Andrea ay mga anak ng dating aktor na si Kevin Delgado at mga apo ng veteran actress na si Marissa Delgado.

Nag-comment nga sa naturang video interview ni Mr. Phoebu$ kay Ryssi na posted sa Facebook si Andrea.

“put your facts straight.. paano naman makikita ng ama kung nilalayo mo yung bata duh,” sey nito.

Bwelta naman ni Ryssi, “nilalayo ko ba or sadyang di lang pinagtutuunan ng oras ng kapatid mo? kung gusto, ginagawa. pag hindi, daming dinadahilan. buti pa sa gimik at babae, napupuntahan eh. Limang buwan na anak ko, wala pa sa limang beses nya binisita yan.

“Onting hiya naman jan, kung talagang maayos ka edi sana pinagsasabihan mo yung kapatid mo, hindi yung kinukunsinti mo pa.”

Sumagot ulit si Andrea at sinabing “He asks you SO many times to see his child yet YOU are the one who pushes him away. That’s not his fault, it’s yours. Don’t act like a victim.”

Banat naman ni Ryssi, “so many times? Kasalanan ko bang nagloko yan? Buntis pa nga lang ako tinatarantado na ko, kasalanan ko pa pala yun. Sabi mo yan eh, syempre mabait kayo dyan. Alam na nya yan, baka di lang nakkwento sa inyo kung ano ano talaga yung mga dahilan ba’t kami naghiwalay.”

Maging si Mr. Phoebu$ ay pumatol na rin sa comment ng kapatid ni Jet.

“Andrea Garcia with all due respect sa comment mo mam. Dapat po kasi nung nanganak yan si Ryssi nag bigay ng Pang pa anak yung Kapatid mo. Ako po kasi yung nag bigay kay Ryssi. Kahit naman po siguro sinong nanay Hindi matutuwa,” lahad nito.

Well, wala pa namang pahayag si Jet patungkol sa isyu bukod sa social media post nito ng kanilang larawan na may caption na “Not a secret, just not your business.”

Related Chika:
Ryssi Avila ibinandera ang anak, sino nga ba ang ama?

Singer na dawit sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa ‘Idol Philippines’

Moira pinaiyak ng socmed personality na nag-audition sa ‘Idol Philippines’, binigyan ng platinum ticket

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending