Singer na dawit sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa 'Idol Philippines' | Bandera

Singer na dawit sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa ‘Idol Philippines’

Therese Arceo |July 12,2022
facebook
share this

Singer na dawit sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa ‘Idol Philippines’

Therese Arceo - July 12, 2022 - 02:00 PM

Singer na dawit sa hiwalayang Skusta Clee-Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa 'Idol Philippines'

NAPA-WOW ang “Idol Philippines” judges na sina Regine Velasquez, Chito Miranda, Gary Valenciano, at Moira dela Torre sa boses ng singer na si Ryssi Avila.

Agad na natanong ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang dahilan ng dalaga sa pagsali nito sa patimpalak.

Paglalahad ni Ryssi, gusto niya ng bagong simula para sa sarili matapos siyang masali sa isang kontrobersya noon.

Ang sinasabi ng dalaga na kontrobersya ay ang pagkakadamay niya sa hiwalayang Skusta Clee at Zeinab Harake noong 2020 at ang kanilang paghihiwalay ni Concon Felix.

Sumikat sina Ryssi at Con sa social media dahil sa kanilang pag-cover sa mga kanta na talaga namang pumatok sa netizens.

Ngunit noong 2020 ay tuluyan nang naghiwalay ang dalawa at doon na rin nagsimula ang pagkakaugnay niya sa hiwalayan noon nina Zeinab at Skusta Clee.

Nagpunta si Ryssi sa bahay ni Skusta noon para makipag-collab at gumawa ng bagong kanta bilang coping mechanism niya sa pinagdaraanan ngunit hindi naging malaking isyu ito dahilan para mag-trending siya.

“Matagal na po kaming magkaibigan [at] magkakilala [ni Skusta Clee] since 2015 bago pa siya sobrang sumikat,” kwento ni Ryssi.

Dagdag pa niya, “After po malaman ng ibang tao na nandoon ako [sa bahay] ni Skusta, medyo mali rin po ‘yung na-post na info [gaya ng] may relationship daw po kami, na inagaw ko daw po si Skusta.

“Gumising na lang po ako isang hapon, nag-trending na ako kahit wala naman akong masamang ginagawa.”

Dito na raw naramdaman ni Ryssi ang pagkawala ng kanyang self-esteem marahil dahil sa mga batikos na kanyang natatanggap noon mula sa mga bashers kaya nagdesisyon siyang huminto sa pagkanta ng isang taon.

Matapos marinig ang kwento ng dalaga ay pinakanta na siya ng mga “Idol Philippines” judges at habang nakikinig ay makikitang naging emosyonal ang ilan sa kanila.

Napahanga ang apat sa kanila sa naging performance ni Ryssi lalo na noong napakinggan nila ang personal na isinulat niya noong pinagdaraanan ang isyu.

Sa katunayan ay napatayo pa nga sina Regine, Gary, at Moira nang matapos niyang kantahin ang original composition niya na “Matsala”.

Noong nagkokomento na si Moira ay mukhang nakatunog na ang ibang judges na balak na nitong ibigay ang platinum ticket na isang beses niya lang pupwedeng ipagkaloob sa sasali sa kompetisyon.

“Just because your past is broken, dowsn’t mean your future has to be,” sey ng “Malaya” singer kay Ryssi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RYSSI (@imryssi)

“I feel it in my bones na ikaw ito, para sa iyo ito. You are called for such a time as this,” dagdag pa niya sabay tayo at abot ng platinum ticket sa dalaga.

Naiiyak naman na nagpasalamat si Ryssi kay Moira at niyakap rin nina Regine, Gary at Chito.

Related Chika:
‘Idol Philippines’ muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine, Gary hindi maramot sa pagse-share ng tips sa mga kapwa singer: We don’t want that to die with us

Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending