Skusta Clee malalim ang hugot sa 'Kumpisal' nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad... | Bandera

Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Ervin Santiago |May 17,2022
facebook
share this

Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Ervin Santiago - May 17, 2022 - 11:56 AM

Gloc-9, Zeinab Harake at Skusta Clee

WALA mang binanggit na pangalan ang rapper-songwriter na si Skusta Clee, naniniwala ang kanyang mga tagasuporta na para kay Zeina Harake ang bago niyang kantang “Kumpisal.”

Ang mga katagang, “Parang dito na ako hihingi ng tawad,” ang nasabi ng Ex Battalion member nang ilarawan niya ang unang collaboration nila ni OPM icon na si Gloc-9.

Aniya, perfect timing ang pagdating ng “Kumpisal” sa kanyang buhay at inaming matagal na niyang gustong makapagsulat at makagawa ng mga inspiring song.

“Para sa akin ‘yun na ‘yung daan kasi kung magkukumpisal ako sa lahat nang nangyari hindi ko rin alam kung ano ‘yung mga sasabihin ko,” pahayag ni Skusta Clee na nasusuong sa kontrobersya ngayon dahil sa paghihiwalay nila ng vlogger na si Zeinab Harake.

Kasunod nito, naikuwento nga ng rapper na pangarap niyang gumawa ng kanta para sa Diyos, “Gusto ko rin talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


“Tulad nang sinabi ko kanina na gusto kong gumawa ng mga ganoong klaseng kanta, hindi man ‘yung like ‘yung worship song talaga na.

“Parang dati ko pang naiisip na gumawa ng kanta about sa Kanya kung paano ko Siya kakausapin. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan,” lahad pa ni Skusta sa isang panayam.

Pagpapatuloy niyang kuwento, “Tapos sakto nga may gagawin kaming kanta ni Sir Gloc. Hindi ko rin ini-expect na ganoon ang topic. Ang inii-expect ko sa magiging collaboration namin ay kanya-kanya kami ng lyrics.

“Kumbaga ipapasa niya lang sa akin ‘yung demo tapos ako ang gagawa ng lyrics. Nang ipinasa niya sa akin ay kanta na talaga ‘yon. Nu’ng napakinggan ko hindi na ako nagdalawang isip.

“Right after niyang sinend sa akin ang demo ay ginawan ko na rin agad,” aniya pa.

“Sabi ko ‘eto na yon, eto na yon.’ Parang dito na ako hihingi ng tawad. Dito na ako, eto na ‘yon. So sobrang perfect timing niya,” sabi ni Skusta Clee.

Nauna nang inamin ni Zeinab sa isang interview na totoong hiwalay na sila ni Skusta at diretsahang sinabi na niloko siya ng rapper kaya nagdesisyon na siyang iwan ito kahit pa may anak sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mag-isang pinapalaki ngayon ni Zeinab ang panganay nilang anak na babae. Kamakailan lang ay malungkot na ibinalita ni Zeinab na nakunan siya last month sa second baby sana nila ni Skusta.

Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending