'Idol Philippines' muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine | Bandera

‘Idol Philippines’ muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine

Bandera |May 21,2022
facebook
share this

‘Idol Philippines’ muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine

Bandera - May 21, 2022 - 11:59 AM

'Idol Philippines' muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine
MULING nagbabalik sa ikalawang season ang “Idol Philippines” para sa muling paghahanap nito sa bawat sulok ng bansa ng bagong singing superstar na pasisikatin.

Matatandaaang nitong Abril pa lang ay marami nang umeereng teasers na magbabalik ito at ngayon ay co-produced na ito ng ABS-CBN Entertainment at Brightlight Productions.

Mula sa original judges noong “Idol Philippines” season 1 na sina Regine Velasquez, Moira dela Torre, Vice Ganda, at James Reid, pawang sina Regine at Moira na lamang ang mananatili sa season 2.

Ngunit paniguradong mas magiging excited ang bagong season lalo na at sasamahan sila nina Mr. Pure Energu Gary Valenciano at Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda bilang mga hurado na inanunsyo sa “TV Patrol” nitong Biyernes ng gabi, May 20.

Kuwento ni Chito, may mga pag-aalinlangan pa siya kung tatanggapin niya ang alok na maging kasama sa mga judges ng bagong season ng “Idol Philippines”.

“Sabi ng wife ko, you need to step out of your comfort zone,” saad ni Chito na pinatutungkulan ang asawang si Neri Naig Miranda.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

 

“The other night, sabi ko, ‘Magagalit ka ba if I don’t do it?’ Sabi niya, ‘Oo.’ So here I am now!” dagdag pa niya.

Samantala, hindi naman na bago kay Gary ang maging isa sa mga hurado ng mga singing contests dahil nagawa na niya ito sa “Your Face Sounds Familiar” at “The X Factor Philippines” ngunit may ibang dating pa rin sa kanya ang “Idol Philippines” dahil magagaling ang mga sumasali rito.

“’Yung iba nga, mapapa-[wow] ka talaga. Pero ‘pag nakikita ko na pati si Chito [nagalingan], it’s a confirmation na magaling talaga ang batang ito,” sey ni Gary.

Samantala, wala pang announcement kung sino ang magiging host ng season 2 ng “Idol Philippines”.

Matatandaang ang host ng unang season na umere noong 2019 ay si Billy Crawford na ngayon ay nasa TV5 na habang ang kauna-unahang itinanghal bilang kampeon ng singing competition na si Zephani Dimaranan ay kasalukuyan nang talent ng GMA-7’s Sparkle.

Wala pa ring announcement kung kelan ang eksaktong petsa ng airing ng “Idol Philippines”.

Related Chika:
Regine, Gary hindi maramot sa pagse-share ng tips sa mga kapwa singer: We don’t want that to die with us

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jason sa 3rd anniversary nila ni Moira: She makes the best cookies & cinnamon rolls, she makes utos a lot but I secretly like it

Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending