Moira pinaiyak ng socmed personality na nag-audition sa 'Idol Philippines', binigyan ng platinum ticket | Bandera

Moira pinaiyak ng socmed personality na nag-audition sa ‘Idol Philippines’, binigyan ng platinum ticket

Ervin Santiago |July 20,2022
facebook
share this

Moira pinaiyak ng socmed personality na nag-audition sa ‘Idol Philippines’, binigyan ng platinum ticket

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 11:12 AM

Ryssi Avila at Moira dela Torre

TOP trending sa social media at umani ng lampas tatlong milyong views sa YouTube ang audition video ni Ryssi Avila sa “Idol Philippines” ng ABS-CBN.

Kinanta ng kilalang social media personality ang “Alipin” ng Shamrock at nasungkit ang pangatlong platinum ticket mula kay Moira dela Torre nitong Sabado (Hulyo 9) sa bagong season ng “Idol Philippines.”

Super na-touch at napaiyal ang “Idol Philippines” judge na si Moira dela Torre sa performance ng 21-taong-gulang na contestant.

Sabi ng OPM Hugot Queen, “Parang ngayon lang ako naiyak at naka-connect ng ganoon. I only have this one chance to do this for this whole season.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)


“I feel it in my bones na ikaw ‘to. Para sa ’yo ‘to. You were called for such a time as this,” komento ni Moira after ng audition ng dalaga.

Para kay Ryssi, isang malaking pagkakataon para kanyang singing career ang pag-audition sa “Idol Philippines.”

Matapos kasing masangkot ang kanyang pangalan sa isyu ng isang social media couple noong 2020, nawalan siya ng tiwala sa sarili at muntik nang sukuan ang pangarap niyang maging ganap na singer.

Ipinakita naman ni Moira ang kanyang suporta kay Ryssi sa pagbabalik niya sa pagkanta, “Just because your past was broken doesn’t mean your future has to be,” hugot ni Moira.

Bonggang-bongga din ang papuri ng iba pang “Idol” judges na sina Regine Velasquez, Chito Miranda, at Gary Valenciano dahil sa galing na ipinamalas ni Ryssi sa pagkanta.

Sa ngayon, naghihintay na lang si Ryssi kasama sina Dominic Hatol at Kimberly Baculo sa mga iba pa nilang makakalaban sa solo round.

Iisang Platinum Ticket na lamang ang natitira mula kay Chito Miranda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan kung kanino mapupunta ang huling inaasam na pass sa mga susunod na episodes ng bagong season ng “Idol Philippines” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.

‘Idol Philippines’ muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine

Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?

Singer na dawit sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa ‘Idol Philippines’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending