Ryssi Avila ibinandera ang anak, sino nga ba ang ama? Bandera

Ryssi Avila ibinandera ang anak, sino nga ba ang ama?

Therese Arceo |January 25,2023
share this

Ryssi Avila ibinandera ang anak, sino nga ba ang ama?

Therese Arceo - January 25, 2023 - 03:40 PM

Ryssi Avila ibinandera ang anak, sino nga ba ang ama?

IPINAKILALA ng social media influencer at “Idol Philippines” season 2 runner up na si Ryssi Avila ang kanyang anak sa madlang pipol.

Inamin nga ng social media influencer sa kanyang YouTube vlog na uploaded nitong Lunes, January 23 ang panibagong yugto ng kanyang buhay bilang isang ganap na ina.

Umpisa ni Ryssi, “Alam ko na medyo matagal na rin kayo noong last kayong nakarinig kung ano na po ang balita sa akin after kong sumali sa TV.

“Hinanda ko yung sarili ko para i-share sa inyo yung pinakamagandang regalong natanggap ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RYSSI (@imryssi)

Aniya, hindi naman niya talaga itinago ang kanyang pagbubuntis pero mas pinili na lamang niyang maging pribado ang buhay nila kaya ngayon lang siya lumantad at magsalita.

“Actually, hindi ko naman siya itinago, may mga nakakita naman sa akin [na buntis], siniguro ko lang na yung pinagdaraanan ko ito kung sino lang talaga yung malalapit at pinagkakatiwalaan ko nang sobra,” saad ni Ryssi.

Dagdag pa niya, “Lahat ng mga tumulong sa akin para malagpasan ko yung phase ng buhay ko na yun, at yun po yung pagbubuntis.”

Kwento pa niya, noong sumali siya sa “Idol Philippines” 2 ay marami raw nagsasabi at nakakapansin na talagang nadagdagan ang kanyang timbang samantalang ngayon ay pumayat na ito.

Dito nga ay inamin na ni Ryssi na mayroon a siyang super cute na baby boy.

“Hindi niyo lang po talaga alam na noong nag-live shows ako, kakapanganak ko lang noon. Sinikap ko na tapusin yun, sinikap ko na ilaban yung pangarap ko para sa sarili ko at siyempre para sa anak ko.

“Kasi kung hindi niyo pa po alam hanggang ngayon, may anak na po ako. Five months na po yung anak ko. Sobrang excited po ako na maipakilala siya sa inyo, kasi gusto ko rin kayo na maging part sa kung ano yung mga ganap ko sa buhay,” pagbabahagi ni Ryssi.

Inamin rin niya ang naging rason bakit “Anghel” ang napili niyang ipangalan sa kanyang anak.

Ani Ryssi, “Ang name niya ay Anghel kasi noong una ko po siyang nakita ay undecided pa po ako sa ipapangalan ko sa kanya. Pero siya talaga ang anghel ng buhay ko, siya talaga ang nagbigay sa akin ng lakas.

“Sa tuwing napanghihinaan ako ng loob ay tinitingnan ko lang siya kahit tulog siya. Kahit umuuwi ako galing trabaho, titingnan ko lang ang anak ko, talagang tanggal na ang pagod ko.”

Marami naman ang humanga kay Ryssi sa naging rebelasyon nito dahil napgsabay nito ang pagiging first time mommy at ang kanyang paglaban para sa pangarap sa “Idol Philippines”.

Ngunit sa kabila nito ay marami ang naging curious kung sino nga ba ang ama ng kanyang anak.

May mga nagsasabing baka ang miyembro ng Ex-Battalion na si Skusta Clee ang daddy ngunit marami ring nagsasabing si Jet Delgado raw ang ama nito na ex-dyowa ni Ryssi.

Confirmed naman na si Jet Delgado ang ama matapos niya itong gawing cover photo sa kanyang Facebook account.

Related Chika:
Moira pinaiyak ng socmed personality na nag-audition sa ‘Idol Philippines’, binigyan ng platinum ticket

Singer na dawit sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake noon, wagi ng platinum ticket sa ‘Idol Philippines’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending