Brillante Mendoza nabitin, nakulangan pa sa hubaran at churvahan sa 'Virgin Forest': Kung walang limitasyon, mas malala pa! | Bandera

Brillante Mendoza nabitin, nakulangan pa sa hubaran at churvahan sa ‘Virgin Forest’: Kung walang limitasyon, mas malala pa!

Ervin Santiago |June 29,2022
facebook
share this

Brillante Mendoza nabitin, nakulangan pa sa hubaran at churvahan sa ‘Virgin Forest’: Kung walang limitasyon, mas malala pa!

Ervin Santiago - June 29, 2022 - 06:47 AM

Sid Lucero, Kat Dovey, Angeli Khang, Rob Guinto at Brillante Mendoza

NAKAKALOKA! Nakukulangan pa raw ang award-winning director na si Brillante Mendoza sa mga hubaran at kangkangan sa bago niyang pelikula na “Virgin Forest.”

Yes, ayon kay Direk Brillante, bitin na bitin pa raw siya sa pinaggagawa ng kanyang mga artista sa latest sex-drama movie ng Vivamax.

Bukod sa tatlong beses na pagpapakita ni Sid Lucero ng kanyang kargada sa pelikula, sa pagpo-frontal ng sexy star na si Rob Guinto at sa mga pasabog na sex scenes niya with Marrki Stroem, Ivan Padilla at iba pang male stars, ay may rape scene pa siya sa simula pa lang ng kuwento.

Bukod pa iyan sa nakakalokang orgy scene ni Sid kasama ang anim na gumanap na diwata sa movie (Aica Veloso, Aivy Rodriguez, Allison Smith, Joan Gallesa, Steph Deñoso at Jessa Mae Conson) kung saan nagpiyesta talaga ang mga ito sa hubo’t hubad niyang katawan.

Pero sey nga ni Direk, nabitin at nakulangan pa siya sa mga hubaran at kangkangan sa bago niyang pelikula under Viva Films.

“Kasi siyempre, may limitations tayo. But if I had my way talaga, siguro I will show more nudity. Parang kulang pa yung nudity. May pinuprotektahan kasi, e.

“Merong kailangang huwag mong ipakita, huwag gawin. Kasi, iyun talaga yung intent, e. Parang you can see flesh, you can see women…alam mo yun.

“Siguro, yung scene ni Rob, kung siguro, kung hindi ko kailangang intindihin yung limitations, mas malala yun,” sabi pa niya.

At in fairness, talagang pinahirapan ng internationally-acclaimed director ang mga artista niya sa “Virgin Forest” dahil bukod sa paghuhubad at pakikipag-love scene, pinalakad at pinatakbo rin sila nang nakapaa sa gubat, pinaakyat sa bundok, at idagdag pa ang mga eksena nila kasama ang napakataba at napakahabang ahas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brillante Ma Mendoza (@brillante_mendoza)


Sabi nga ni Sid tungkol sa kanilang orgy scene na kinunan sa isang mabatong waterfalls, “That was difficult! I think after a certain number of girls in a group, if it outnumbers the guy, they just become infinitely more powerful and they just eat you up, and they just…oh my gosh! Really! Honestly, it was not easy. Sobrang hirap!

“It was painful. The audio was hard kasi may waterfalls, tapos binibigyan kami ng directions pero hindi namin marinig. Si Aivy, pag magkamali siya, hulog! Patay! Hindi naman puwede.

“And then under the water, three of us are balancing on one rock. Isa sa paa ko, and then ang paa ng susunod, tapos paa nung isa. Nagka-cramps yata ako, e.

“It’s not easy. But, if you’re gonna think about putting myself in the situation like that, actually I think it’s not hard as you would imagine.

“Because these are my friends and I care about, their feelings and I care about their limitations, and I care about how they see themselves in the industry as actors. So, automatic that is removed.

“It’s easy around to fantasize about it. But the truth is, when all of you are wearing nothing, there is nothing to hide,” tuluy-tuloy na paglalarawan ng premyadong aktor sa nasabing eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nabanggit din ni Direk Brillante na ang kuwento ng “Virgin Forest” ay based on true events kung saan naikuwento nga sa kanya ng isang photojournalist ang  nasaksihan niyang illegal logging operations sa isang probinsya, pati na ang prostitution at iba pang kasakiman ng ilang nasa gobyerno.

Sid Lucero nabasag ang pantasya sa pakikipag-orgy dahil sa ‘Virgin Forest’: I think, pass na siguro ako sa ganyan!

Sid Lucero 3 beses nagpakita ng kargada sa ‘Virgin Forest’: Gusto ko sana, prosthetic kaso hindi naman siya impressive

Angeli Khang hinding-hindi makakalimutan ang rape scene nila ni Markki Stroem sa ‘Virgin Forest’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending