Gabby ihahatid sa altar si Andi kapag ikinasal na kay Philmar

Gabby Eigenmann ihahatid sa altar si Andi kapag ikinasal na kay Philmar

Ervin Santiago |March 24,2024
facebook
share this

Gabby Eigenmann ihahatid sa altar si Andi kapag ikinasal na kay Philmar

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 07:00 AM

Gabby Eigenmann ihahatid sa altar si Andi kapag ikinasal na kay Philmar

Gabby Eigenmann, Marian Rivera, Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

SI GABBY Eigenmann ang maghahatid kay Andi Eigenmann sa altar kapag ikinasal na sa kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.

Ito ang kinumpirma ng Kapuso actor nang makausap ng BANDERA sa grand mediacon ng latest primetime series ng GMA 7 na “My Guardian Alien” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Tuloy na tuloy na ang wedding ng engaged couple na sina Andi at Philmar pero ayaw namang pangunahan ni Gabby ang magkarelasyon tungkol dito.

Baka Bet Mo: Anak ni Candy nagsimula nang maging altar server: So proud, dreams to come true!

Hindi rin sinagot ni Gabby nang diretsahan ang tanong namin kung ipagpapaliban muna nina Andi at Philmar ngayong taon ang kasal nila dahil nga sa pagkamatay ng nanay ng aktres na si Jaclyn Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pahayag ni Gabby, basta kapag ikinasal daw ang kapatid niya sa ama (ang yumaong aktor na si Mark Gil) at si Philmar ay siya ang maghahatid kay Andi sa altar.

“Siyempre, ‘di ba, engaged sila, eh. One way or another, anytime soon, they’re gonna get married. Who’s gonna walk her down the aisle? Ako ‘yun,” ani Gabby na gaganap uling kontrabida sa comeback series ni Marian na “My Guardian Alien.”

Sa tanong kung wala pa bang napag-uusapan kung kailan ang kasal, “Meron na pero sa pagkakaalam ko, inaayos pa nila ang mga detalye.”

Sey pa ni Gabby, bukod kay Andi, kapag ikinasal din ang iba pa niyang mga kapatid ay ganu’n din ang gagawin niya.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

“Kahit ikasal si Sid Lucero ngayon, ganu’n din gagawin ko. Ikasal si Max, ganu’n din gagawin ko,” sey ng aktor.

Paninindigan na rin daw ni Gabby ang pagiging tatay kay Andi ngayong wala na si Jaclyn na tumayong ama’t ina ng kanyang mga anak.

“Even when dad was still alive, never naman… like hindi man niya na-feel masyado na nandidiyan si daddy 24/7, I’ve always…nandu’n ako.

“’Yung ako ‘yung sumasalo. Siyempre, tinutulungan ko ‘yung daddy ko, eh, para rin naman sa daddy ko ‘yun. ‘Ako nang bahala, susunduin ko para makita mo.’ ‘Yung mga ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So, I’ve never made her feel na empty siya, na wala siyang father, hindi, even when my dad was still alive,” pahayag pa ng Kapuso actor.

Promise pa niya kay Andi, “I’ll always be here, always. I will never leave by your side.”

Samantala, unti-unti na ring nakaka-recover si Gabby sa pagpanaw ng kanyang stepmom na si Jaclyn. Malaking tulong daw ang mga projects na ibinibigay sa kanya ng GMA para kahit paano’y maibsan ang kanyang pagdadalamhati.

Isa na nga riyan ang bago niyang primetime series na “My Guardian Alien”, “Ngayon na back to work, okay ako. Saka sabi nga nila, life goes on.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “My Guardian Alien” simula sa April 1, 8:50 p.m., sa GMA Prime mula sa direksyon ni Zig Dulay. Ka-join din sa serye sina Max Collins, Kiray Cellis, Raphael Landicho, Marissa Delgado, Tanya Gomez at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending