Andi Eigenmann muling nag-alay ng tula kay Jaclyn, miss na miss na ang ina
MULING gumawa ng madamdamin at tagos sa pusong tula si Andi Eigenmann para sa namayapa niyang inang si Jaclyn Jose.
Siguradong miss na miss na ni Andi ang kanyang nanay makalipas ang ilang linggo mula nang ito’y mamaalam. Hindi naman kasi talaga madali ang pinagdaraanan ng mga naulila ng mga mahal nila sa buhay.
Nag-post ng throwback photo sa Instagram ang dating aktres at celebrity mon kasama si Jaclyn na kuha sa isang dalampasigan.
Sa caption, ibinahagi ni Andi kung paano siya mino-motivate ng kanyang nanay sa bawat bagay na ginagawa niya at kasabay ng walang sawang paggabay noong nabubuhay pa ang aktres.
“She built me up like a mountain at sunrise
“And painted my sky with gentle hands
“And when she told me
“I could be anything
“I believed her because I saw how much I could grow with even a little of her light,” ang buong post ng naulilang anak ni Jaclyn.
Baka Bet Mo: Pamamaalam ni Andi kay Jaclyn: Nasa paraiso ka na Nanay…pahinga ka na
View this post on Instagram
Nauna rito, nag-compose rin ng tula si Andi para sa inang aktres kung saan nangako siyang ite-treasure niya forever treasure ang kanilang memories together.
“Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit.
“Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na,” ang bahagi pa ng mensahe ni Andi para sa kanyang namatay na nanay.
Pumanaw si Jaclyn, o Mary Jane Guck sa tunay na buhay, dahil sa heart attack noong March 2 sa edad na 60.
Halos lahat ng celebrities na nagmamahal at nakatrabaho ni Jaclyn ay dumalaw at nagbigay-pugay sa kanyang burol sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.
Ilan nga sa mga ito ay sina Alden Richards, Bong Revilla, Dingdong Dantes, Jake Ejercito, Barbie Forteza, Andrea Torres, Gina Alajar, Gladys Reyes, Dominic Zapata, Ina Feleo at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.