Andi kay Jaclyn: Nasa paraiso ka na Nanay...pahinga ka na

Pamamaalam ni Andi kay Jaclyn: Nasa paraiso ka na Nanay…pahinga ka na

Ervin Santiago - March 13, 2024 - 12:58 AM

Andi nagpaalam kay Jaclyn: Nasa paraiso ka na Nanay...pahinga ka na

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

EKSAKTONG 10 araw mula nang pumanaw si Jaclyn Jose, muling ipinaramdam ni Andi Eigenmann ang sobrang pagmamahal sa kanyang nanay.

Nagpaalam si Andi sa pinakamamahal na ina sa pamamagitan ng kanyang Instagram account nitong Lunes, March 12, isang araw matapos ihatid sa huling hantungan ang movie icon.

Pinasalamatan ni Andi si Jaclyn sa lahat ng ginawa at isinakripisyo nito para sa kanilang pamilya, lalo na sa kanya at sa kapatid na si Gwen Guck.

“Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga alaala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay,” ang simulang pagbabahagi ng aktres.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose itinuring nang tunay na anak si Coco; tinupad ang hiling

Kahit daw wala na ngayon ang kanyang nanay, ramdam na ramdam pa rin niya ang presence nito sa bawat aspeto ng kanyang buhay.

“Sa kahit saang parte ng aking buhay ay parati kitang madarama. Parati kitang makikita. Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hanging aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya,” mensahe pa niya kay Jaclyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, muling ibinahagi ni Andi ang isinulat niyang tula para sa namayapang ina, “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”

Baka Bet Mo: Coco may mga nakitang premonisyon sa taping bago pumanaw si Jaclyn Jose

“Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, at maririnig ang mga bulong ng iyong pagmamahal. Magkikita din tayong muli. Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit.”

“Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na,” dugtong pa niya.

Kalakip ng kanyang IG post ay ang mga litrato ng paruparo at sunflowers pati na ang urn at iba’t ibang portrait ni Jaclyn na ginamit sa kanyang burol sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Namatay si Jaclyn Jose noong March 2, dahil sa heart attack at natagpuan lamang ang kanyang katawan kinabukasan, March 3.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending