Andi Eigenmann sa pagkawala ng ina: Magkikita din tayong muli

Andi Eigenmann sa pagkawala ng ina: Magkikita din tayong muli

Therese Arceo - March 05, 2024 - 03:10 PM

Andi Eigenmann sa pagkawala ng ina: Magkikita din tayong muli

ISANG matalinghagang mensahe ang ibinahagi ng dating aktres na si Andi Eigenmann para sa kanyang yumaong ina na si Jaclyn Jose.

Sa kanyang Instagram story ngayong araw, March 5, mababasa ang punung-puno ng emosyon na alay niya para sa kanyang nanay.

“Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya,” saad ni Andi.

Pagpapatuloy niya, “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”

Sa kabila ng pagkawala ng ina ay sinisiguro ni Andi na palagi pa rin itong parte ng kanyang buhay.

“Makikita kita sa mga ulap, maririnig ang iyong mga bulong ng pagmamahal. Magkikita din tayong muli.

Baka Bet Mo: Andi umiiyak na ibinalita ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn Jose

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sa ngayon didinggin ko muna ang iyong mga awit,” sey pa ni Andi.

Matatandaang nitong Linggo ng gabi, March 3, unang lumabas ang balitang pumanaw na ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress ngunit walang inilabas na detalye ukol sa sanhi ng pagkawala nito.

Nitong Lunes, March 4, emosyonal namang humarap sa madla si Andi kasama ang ang aktor at kanyang half-brother na si Gabby Eigenmann kung saan isiniwalat niya ang sanhi ng pagkawala ng ina.

Aniya, “I announce the untimely passing of my Nanay, Mary Jane Guck better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to myocardial infarction or a heart attack.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman si Andi sa mga taong nagpaabot ng pakikiramay at nag-alay ng panalangin para sa yumaong ina at humingi ng privacy habang ipinagluluksa ang pagkawala ng ina.

“Just like to say that her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched.

“She herself, her life itself was her greatest obra maestra thank you,” umiiyak na sabi pa ni Andi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending