Andi ibinalita ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn Jose

Andi umiiyak na ibinalita ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn Jose

Reggee Bonoan - March 04, 2024 - 03:42 PM

Andi umiiyak na ibinalita ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn Jose

PARA tuldukan na ang mga espekulasyon tungkol sa pagkamatay ng kanyang inang si Jaclyn Jose, nagpa-presscon na si Andi Eigenmann ngayong araw.

Mismong si Andi na ang nagbigay ng pahayag upang isapubliko ang tunay na dahilan sa biglaang pagpanaw ng beteranang aktres nitong Sabado, Marso 2.

Bagama’t naglabas na ng official statement ang talent management ni Jaclyn, ang PPL Entertainment, ay wala namang ibinigay kung ano ang sanhi ng pagkawala ng premyadong aktres bagkus ay humiling sila ng privacy tungkol dito.

Bahagi sa statement ng PPL, “The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times.”

Baka Bet Mo: Dimples, Gardo, Ice, Gladys, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn 

At kaninang 2:23 ng hapon ay emosyonal na humarap sa media ang panganay ni Jaclyn na si Andi na kasama ang kuya niyang si Gabby Eigenmann na umaalalay sa kanya. Ang aktor ay half-brother nito sa amang si Mark Gil na ang ina ay ang aktres na si Irene Celebre.

Aniya, “At the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to myocardial infarction or heart attack. We’d like to thank everyone who was send extended prayers and condolences to us.”

Humiling din si Andi ng kapribaduhang hayaan silang magluksa at higit sa lahat sana ay matigil na ang mga haka-haka kung ano ang ikinamatay ng kanyang ina.

“Just like to say that her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched.

“She herself, her life itself was her greatest obra maestra thank you,” umiiyak na sabi ni Andi at niyakap naman siya ng kuya niyang si Gabby Eigenmann at hinagkan sa ulo sabay nagpasalamat sa mga dumalo sa presscon.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa Arlington Memorial Chapels sa Araneta, Quezon City ang labi ni Jaclyn at for cremation na rin kaagad ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay wala pang balita kung makakauwi ng Pilipinas ang kapatid ni Andi at bunsong anak ni Jaclyn na si Gwen Garimond Ilagan Guck na nag-aaral ng kolehiyo sa Amerika.

Ang aming taos pusong pakikiramay sa mga naulila ni Jaclyn Jose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending