Dimples, Gardo, Ice, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn 

Dimples, Gardo, Ice, Gladys, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn 

Pauline del Rosario |March 04,2024
facebook
share this

Dimples, Gardo, Ice, Gladys, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn 

Pauline del Rosario - March 04, 2024 - 11:55 AM

Dimples, Gardo, Ice, Gladys, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn 

PHOTO: Instagram/@jaclynjose

PATULOY na bumubuhos sa social media ang mga pakikiramay para sa namayapang premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

Kabilang na riyan ang ilang bigating celebrities na ibinandera ang kanilang tribute at pagluluksa.

Dimples Romana

Sa Instagram, napa-throwback ang aktres na si Dimples Romana kung saan ipinost niya ang isang screenshot ng eksena nila together mula sa 2001 film na “Minsan May Isang Puso.”

Kalakip niyan ay sinabi niya na natatandaan niya ang mga aral na itinuro sa kanya ni Jaclyn pagdating sa showbiz.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose itinuring nang tunay na anak si Coco; tinupad ang hiling

“Lost another true icon [heartbreak emoji] @jaclynjose,” caption niya.

Mensahe niya sa batikang aktres, “Tita Jane , I remember all the laughter, the lessons you generously taught me as a young actor back when we were shooting this movie in 2001 and for our ‘May Minamahal’ remake [sad emoji]”

“mahal kita at laging yayakap ng mahigpit [red heart emoji] you will never be forgotten [folded hands emoji],” ani pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Makikita sa comment section ang reply ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann na sinabing: “Mahal kita ate ko [heart emoji].”

Gardo Versoza

Ipinost naman ng aktor na si Gardo Versoza ang litrato nila ni Jaclyn, kalakip ang caption na: “Mahal na mahal kita abe [crying, folded hands, heartbreak emojis] masakit na paalam [crying emoji] nagkukwentuhan pa tayo di ba.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)

Sa hiwalay na Instagram post, ipinakita naman niya ang isang compilation video ng heartwarming moments at bonding nila ng namayapang batikang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)

Ice Seguerra

Ang OPM icon na si Ice Seguerra, aminadong hindi makapaniwala sa biglaang pagkamatay ni Jaclyn.

Nagpasalamat din siya sa pagmamahal na ibingay ng aktres sa kanyang asawa na si Liza Dino.

“Lagi mo siyang sinusuportahan nung nasa FDCP at pinagtatanggol ‘nung wala na siya. Thank you for your kindness. Sobrang nakakalungkot,” wika ni Ice sa isang Instagram post.

Mensahe niya pa, “Nakikiramay ako sa pamilya at sa lahat ng nagmamahal sa nag-iisang Jaclyn Jose. Napakalaking kawalan sa buong industriya.”

Baka Bet Mo: Gardo Versoza na-hurt nang mabalitang namatay na siya; asawang si Ivy Vicencio naospital din dahil sa stress

Gladys Reyes

Tulad ng kay Ice, gayundin din ang naging reaksyon ng batikang aktres na si Gladys Reyes kalakip ang throwback video ng kanyang vlog kasama si Jaclyn.

“Ate Jane, nakakagulat naman, binigla mo kaming lahat [crying emoji],” reaksyon ni Gladys sa IG.

Kwento niya, “Ang dami nating pinagsamahan, simula 9 years old ako sa ‘Lovingly Yours Helen’ hanggang dito sa huling movie natin na ‘Apag,’ ‘di ka nagbago sakin.”

“Salamat sa mga tips, pag-alaga mo sakin na parang ate kita talaga. Nabawasan na naman ng isang magaling at de kalibreng aktor ang industriya. Mamimiss namin ang nag-iisang Jacklyn Jose [heart emoji],” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)

Rayver Cruz

Halata ring nagluluksa ang aktor na si Rayver Cruz kung saan ibinandera niya ang picture nila ni Jaclyn at makikita sa caption ang tatlong broken heart emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Kylie Padilla

Inamin naman ng celebrity mom na si Kylie Padilla na humagulgol siya nang iyak nang malaman ang malungkot na balita tungkol sa itinuturing niyang ina at kaibigan na si Jaclyn.

Naikwento pa niya ‘yung panahon na nagkasama sila sa TV series na “Bolera” at marami silang napag-usapan tungkol sa buhay-buhay.

“Still crying. I keep hearing your voice in my head,” sambit ni Kylie.

Pag-alala niya, “I remember our heart to heart conversations under the stars sa taping ng ‘Bolera.’ We talked about motherhood. Life. And love. I loved your energy.”

“I remember the scenes sa bolera na di tayo makapagpigil ng kakatawa kasi ganun ka kasaya kasama,” patuloy niya.

Ani pa ng aktres, “Thank you for being mom to me but also being a friend to me. It’s only a comfort that I saw you last night in my dreams smiling, I got a sense that you were at peace wherever you were. And that’s what you deserve. RIP Tita Jane [broken heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)

Katrina Halili

Sa social media post, nagpasalamat si Katrina Halili at chinika na nabisita siya kamakailan lang ng namayang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you tita jhane, dinalaw mo pa ako 2 weeks ago para i-comfort ako, salamat sa mahigpit na yakap, oras at pagmamahal. Rest in peace [crying emoji] mahal kita!” wika niya sa IG kalakip ang selfie picture nilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)

Angel Locsin

Nagbigay-pugay rin ang aktres na si Angel Locsin kung saan ibinandera niya sa Facebook Reels ang isang throwback film kasama ang premyadong aktres.

“R.I.P Ms. Jaclyn Jose [folded hands emoji] Your contribution to the Philippine entertainment industry will never be forgotten,” lahad niya sa post.

Dimples, Gardo, Ice, Gladys, iba pang artista may pa-tribute kay Jaclyn 

PHOTO: Facebook/Angel Locsin

Ogie Diaz

Inihayag naman ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa tribute post ang kanyang paghanga kay Jaclyn bilang isang mapagmahal na ina.

“Ms. Jane, bago natin ginawa ang interbyung ito, di ko makakalimutan ang mga kwento mo ng hinanakit sa buhay, pero hangga’t maaari ay tinatapatan mo na lang yon ng pang-unawa at pagtanggap na nangyayari talaga ang iyong mga tanong,” saad niya.

Patuloy niya, “At doon lumulutang ang iyong pagiging mapagmahal na ina. At humanga ako sa yo.”

“Maraming salamat sa iyong napakaraming ambag sa industriya. Nag-iisa ka [emojis],” ani pa ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending