Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France | Bandera

Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

Therese Arceo |August 16,2022
facebook
share this

Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

Therese Arceo - August 16, 2022 - 07:23 PM

Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France
MASAYANG naka-bonding ng dating aktres at vlogger na si Andi Eigenmann ang anak ng kanyang fiancè na si Philmar Alipayo sa ex-girlfriend nito.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan habang masayang nagtatampisaw sa beach.

“It’s been beach evenings for us over here in this Basque beach town. We’ve been loving the European summer weather and the 10PM sunsets. It offers more time to enjoy pur surroundings, more time to rest in between, and more time to eat,” saad ni Andi.

Makikita sa larawan na kasa-kasama nila ang anak ni Philmar na si Kanoa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Kasalukuyang nasa Hendaye, France sina Andi at Philmar kasama ang kanilang mga anak para pansamantalang magbakasyon.

Sa hiwalay niyang Instagram account ay ibinahagi niya na matagal na pala nilang plano ang pumunta ng France.

“Walking around on our first morning in Hendaye. This Basque town is the first place on our travel bucket list. After four years and + 2 kids, we finally made it! Making the feeling even much sweeter,” sey ni Andi

Bukod sa IG post ay nasa Instagram story rin niya ang bonding moments nila habang naglalaro ang mga bata ng billiards.

Paniguradong happy rin ang fiancè ni Andi dahil nagkaroon siya ng quality time kasama ang anak matapos ang matagal na panahong hindi pagkikita.

Sa katunayan, sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan nila habang hinahatid pauwi si Kanoa.

Bago pa man ang relasyon nina Andi at Philmar, parehas silang may anak sa kanilang mga dating nakarelasyon.

Si Philmar ay may dalawang anak na sina Toro at Kanoa habang si Andi naman ay may isang anak na si Ellie sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Related Chika:
Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for

Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar

Andi Eigenmann lumipad pa-Indonesia kasama si Philmar at mga bata: We were finally able to do it!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending