Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar | Bandera

Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar

Reggee Bonoan |August 17,2021
facebook
share this

Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar

Reggee Bonoan - August 17, 2021 - 03:54 PM

Philmar Alipayo at Andi Eigenmann

PAGKATAPOS magdiwang ng ikalawang taong kaarawan ni Lilo, ang panganay na anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nitong Hulyo ay ang papa naman nito ang nag-celebrate ng birthday ngayong araw, Agosto 17.

Buong pagmamahal siyang binati ni Andi at sinabing simula ng maging sila ay nawala lahat ang mga takot na nararamdaman niya sa buhay bukod sa napakuwerte talaga niya.

Nag-post ang mama nina Ellie, Lilo at Koa ng mga larawan larawan ni Philmar habang nagse-surfing, nagmo-motor, nasa ilalim ng dagat, at ilang litrato na magkakasama silang mag-anak.

Ang caption ni Andi sa kanyang post, “I hope you know how lucky we feel to have you in our life. Specially me! Life just got way more meaningful, way more fun, and a little less scary since you came, and I will not trade this life I have built with you for anything else in this world.
 
“You deserve the same happiness and joy that you give to everyone around you. We love you so much @chepoxz! HAPPY BIRTHDAY!”

Binati rin ang fiancé ni Andi ng mga kaibigan niya sa showbiz.

* * *
                                              
Matupad pa kaya ni Ciara (Charlie Dizon) ang lahat ng pangarap sa bucket list niya kasama si Lucas (Jameson Blake) sa “My Sunset Girl”?

Malalaman na ni Ciara ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya na maaaring magbago sa relasyon nila ni Lucas sa pagtatapos ng iWantTFC original series ngayong Miyerkules (Agosto 18), 8 p.m..

Durog na durog ang puso ni Ciara pagkatapos niyang malamang niloko lamang siya ni Lucas, at na pinlano nito mula umpisa ang pagpapaibig sa kanya kasama si Elias (JM Bascon), ang dating kasintahan ng ina ni Ciara na si Melissa (Mylene Dizon). Gusto kasi ni Elias na lokohin, maghiganti, at perahan si Ciara bilang kabayaran sa pagpapahirap sa kanya ni Melissa sa kulungan.

Kaya naman kahit nauwi sa totohanan ang pagtingin ni Lucas kay Ciara, maghahanda na si Ciara na kalimutan ang pinagsamahan nila.

Susubukan naman ni Elias na mahulog sa patibong niya si Ciara at pagtangkaan ang buhay nito. Habang puno ng galit at paghihiganti ang puso ni Elias, wala siyang kamalay-malay sa katotohanang maaaring magbago sa kanyang buhay – na si Ciara ay anak niya.

Malaman kaya ni Elias ang katotohanan bago pa maging huli ang lahat? Mapatawad kaya ni Ciara si Lucas, at magkaroon pa kaya ng happy ending ang masalimuot na love story nila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang huling episode ng “My Sunset Girl” ngayong Miyerkules (Agosto 18), 8 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending