Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for
AMINADO ang aktres at vlogger na si Andi Eigenmann na nagkakaroon siya ngayon ng tough time matapos ang nangyaring pananasala ng super typhoon Odette sa Siargao kung saan sila naninirahan.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang kasalukuyang nararamdaman kalakip ng litrato nilang pamilya.
“Been having a tough time assessing how I feel but I realize, never mind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for,” saad ni Andi.
Matatandaang nasa Maynila ang kanyang pamilya nang tumama ang bagyo sa isla na siyang sumira ng mga tirahan at kabuhayan ng mga naninirahan doon.
“My kids know for sure this is not ‘home,’ but having both of us around somehow makes everything better,” dagdag naman ni Andi.
Sa kasalukuyan ay nasa Manila ngayon ang kanyang buong pamilya kasama si Philmar na lumuwas para makasama sina Andi.
View this post on Instagram
Matatandaang matapos ang pananalasa ng bagyong Odette ay agad na bumyahe si Philmar pa-Siargao upang i-check ang kalagayan ng mga kamag-anak pati na rin ng mga kaibigan sa isla.
Ngunit hindi rin magtatagal si Philmar sa Manila dahil magbabalik itong muli sa isla para ipagpatuloy ang pagtulong.
“Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there,” ani Andi.
Nagpasalamat rin siya sa mga taong sumusuporta sa kanila at patuloy na tinatangkilik ang kanilang vlogs.
Nabanggit na noon ni Andi na lahat ng mga kikitain ng kanilang vlogs sa buwan ng Disyembre ay ido-donate nila para sa mga naapektuhan ng bagyo at para makatulong sa muling pagbangon ng Siargao.
“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families’ homes in Siargao by watching our December videos on YouTube,” sey ni Andi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.