Malditang influencer nilayasan ang TVC shoot kahit 'di pa tapos

Malditang influencer nilayasan ang TVC shoot kahit ‘di pa tapos ang work

Reggee Bonoan |March 18,2024
facebook
share this

Malditang influencer nilayasan ang TVC shoot kahit ‘di pa tapos ang work

Reggee Bonoan - March 18, 2024 - 01:43 PM

Malditang influencer nilayasan ang TVC shoot kahit 'di pa tapos ang work

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino ang malditang yan?

ANG isang araw na TV commercial shoot ng kilalang influencer para sa isang beauty product ay naging dalawa dahil sa pagwo-walkout nito.

Hindi kasi nagustuhan ng naturang influencer na umabot sa walong oras ang kanilang shoot.

Lukang-luka ang beauty product owner na nagsisimula pa lang sa kanyang negosyo at gustong magpakilala kaya pikit mata niyang kinuha ang influencer na milyones ang followers at subscribers sa kanyang platform na milyones din ang talent fee.

Pinaghandaan ng negosyante ang talent fee ng influencer pero ang ikinawindang nito ay nang banggitin na may sarili itong glam team na super mahal din ng talent fee dahil per oras ang bayad.

Baka Bet Mo: Glam team naloka nang makitang lasing na lasing si sikat na aktres: Aayusan siya dahil may event tapos uminom nang bongga!?

Pumayag na rin ang beauty product owner sa gusto ng influencer ang kaso tila sinadyang magbagal-bagalan ang glam team para lumampas sila sa oras.

“Nagtataka ‘yung owner kasi nakita niya na more chika ang glam team at si ____ (influencer) na parang hindi naghahabol ng oras. Kaya nu’ng sumobra na sila sa oras nagpapadagdag ang glam team ng bayad.

“Kinausap nu’ng owner si influencer baka puwedeng package na lang kasi kulang na sa budget, hindi raw pumayag kaya ‘yung may-ari nag-call a friend na,” kuwento sa amin.

Hanggang sa umabot na nga ng walong oras ang TVC shoot kaya ang ending kahit hindi pa tapos ang trabaho nila ay umalis na ang influencer.

Nagulat ang direktor, cameramen, stylist at ang may-ari ng beauty products kasama ang pamilya at staff na excited pa man din magpa-picture kay influencer.

“Dumating ‘yung kaibigan ni ____ (may-ari ng beauty products) at nag-usap sila at ni-review ang mga nakunan na at pinayuhang para hindi na magdawalang araw na shoot dahil milyones na naman ang sisingilin sa kanila ng glam team at ni ____ (influencer) ay sinabing dayain na lang at kumuha ng talent na kahulma ni ____  (influencer) na hindi ipapakita ang mukha,” tsika pa ng aming kausap.

Dagdag pa, “E, di nasolusyunan na, hindi na pinabalik si ____ (influencer) at ‘yung glam team niya.”

Baka Bet Mo: Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

Naawa kami sa may-ari ng beauty products na nagsisimula pa lang sa negosyo at hindi maganda ang una niyang experience sa endorser niya na ang paglalarawan ay, “horror story.”

Nang ikuwento ito sa amin ay hindi na kami nagulat sa ugali ng influencer dahil hindi na namin mabilang sa mga daliri namin sa kamay at paa ang mga reklamong narinig namin na halos isumpa siya sa ugali niyang “diva.”

May mga terminong binanggit sa amin ang kausap naming na galing mismo sa mga kaibigang ng may-ari ng beauty products dahil kilalang-kilala pala si influencer mula ulo hanggang paa at ang hamon sa owner ay, “Banggitin mo pangalan namin kay ____ (influencer) at tingnan natin kung hindi siya maloka.”

Hindi raw naman kasi binanggit ng may-ari ng beauty products sa mga kaibigan niya na ang pasaway na influencer ang kukuning endorser, sana raw ay nawarningan siya ng mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness makulay ang kuwento ng buhay ni influencer, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending