Miles binarag ang basher na nagsabing, 'Bakit ang taba mo na!?'

Miles binarag ang basher na nagsabing, ‘Hala, bakit ang taba mo na!?’

Ervin Santiago - March 25, 2024 - 08:10 AM

Miles binarag ang basher na nagsabing, 'Hala, bakit ang taba mo na!?'

Miles Ocampo

BEAST mode ang aktres at “Eat Bulaga” Dabarkads na si Miles Ocampo matapos magkomento ang isang netizen sa isa niyang social media post.

Nag-share ng kanyang mga photos sa Instagram ang TV host-actress-host na umani ng mga positibo at magagandang komento mula sa kanyang followers.

Pero may isa ngang basher ang  matapang na nagtanong kay Miles ng, “HALA, BAKIT ANG TABA MUNA?!!”

Hindi ito pinalampas ng dalaga at talagang pinatulan ang laiterang netizen. Sinupalpal siya ni Miles nang bonggang-bongga!

Baka Bet Mo: Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

“Kaya ako tumaba kasi ‘pag bored ako, kumakain ako imbes na makialam sa buhay ng iba,” ang bwelta ng award-winning actress sa naturang body shamer.

Kinuyog din ng mga tagasuporta ni Miles ang naturang basher kasabay ng pagpuri nila sa Legit Dabarkads dahil sa paglaban at pambabasag nito sa body shamer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)


Kung matatandaan sumailalim sa thyroidectomy surgery si Miles matapos ma-diagnose ng papillary thyroid carcinoma, isang uri ng cancer na tumutubo sa thyroid gland.

Bukod dito, nag-radiation therapy din siya para patayin ang iba pang cancer cells sa kanyang katawan.

Baka Bet Mo: Kris Aquino muling ipinaramdam ang concern at pagmamahal kay Miles Ocampo: ‘We love you, Ate’

Last January, 2024 ibinandera nga ni Miles na cancer-free na siya, base sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila.

“Yes, Ms. Karen, I am cancer-free. But, ‘yun na nga, maintenance for life. ‘Yung meds ko, habambuhay na siya and du’n na ako naka-base.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kumbaga ‘yung weight ko rin, dun na siya magbe-base kung tataba or papayat kasi every two months, kailangan ko magpa-blood test para i-check kung ia-adjust ba ‘yung dosage,” paliwanag ni Miles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending