Miles Ocampo may inamin ukol kay Elijah, nangangamoy balikan?

Miles Ocampo may inamin tungkol kay Elijah, nangangamoy balikan?

Therese Arceo |March 20,2024
facebook
share this

Miles Ocampo may inamin tungkol kay Elijah, nangangamoy balikan?

Therese Arceo - March 20, 2024 - 06:10 AM

Miles Ocampo may inamin tungkol kay Elijah, nangangamoy balikan?

Miles Ocampo at Elijah Canlas

MUKHANG malaki ang tsansa na magkaroon ng comeback ang pag-iibigan nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Nitong Lunes, March 18, nausisa ang “Eat Bulaga” host sa kanyang panayam sa “Frontline Pilipinas” tungkol sa naging bakasyon niya sa Hong Kong kamakailan.

Dito ay natanong ni MJ Marfori si Miles kung kasama ba ang dati niyang karelasyon sa naturnf bakasyon.

“Hindi po. Mga kapatid ko po and parents ko. Family time,” sagot ni Miles.

Ngunit tila wala siyang kawala sa kasunod na tanong ni MJ kung saan tinanong kung nagkabalikan na ba sila ng aktor.

Baka Bet Mo: Elijah nagsalita na sa chikang nagkabalikan na sila ni Miles Ocampo: What if…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Let’s see. We’re working on it,” nakangiting saad ni Miles.

Bagamat walang diretsang pag-amin, tila align naman ang mga pahayag ng TV host-actress sa naunang interview ni Elijah sa Kapamilya showbiz reporter na si MJ Felipe.

Noong March 12, nakausap ng ex-boyfriend ni Miles si MJ kung saan natanong siya nito kung kasama ba sa kanyang goal ngayong taon ang maghanap ng bagong pag-ibig.

“Looking for love? What if love pa? There’s always love within us, right? There’s always love within us… and I have so much love to give, you know,” sey ni Elijah.

Hirit pa ng ex ni Miles, “Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I’m willing to give it to anyone who’s willing to accept.”

Noong November 2023 nang aminin ni Elijah sa interview sa kanya ng ABS-CBN News na hiwalay na sila ng dalaga.

Ngunit sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nananatili magkaibigan at may komunikasyon sa isa’t isa sina Miles at Elijah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, spotted na magkasama ang dalawa sa nagdaang birthday party ni Maine Mendoza.

Dahil dito, umingay ang chika na baka unti-unting inaayos ng dalawa ang kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending