Diego umaming may kasalanan sa nanay ng anak: I broke the rule 3 times
OKAY na si Diego Loyzaga at ang ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco na kamakailan lang ay nag-rant sa social media matapos palayasin ng aktor.
Ang post ni Alexis noon, “SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over.”
Pero ilang araw ang nakalipas ay tahimik na ang dalawa at inamin ng aktor na nag-usap na sila ni Lex para sa co-parenting agreement sa anak nilang si Hailey.
Naikuwento ito ni Diego sa panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito na in-upload kagabi. Tanong ni Ogie kung paano sila nagkaayos ni Lex.
View this post on Instagram
Sagot ng aktor, “Nag-usap kami, when she posted it I posted din kaagad na wala akong dine-deny kasi I have to explain everything really?
Baka Bet Mo: Diego rumesbak sa ina ng anak, nangakong hindi pababayaan ang baby
“Maniniwala pa ba (sa akin) ang mga tao kung magpapaliwanag pa ako? Better sabihin ko na lang, whatever is said is said I can neither deny or confirm these accusations better na I just leave it as it is basta ang masasabi ko lang ang baby ko maayos siya.
“That’s all I care about, you can look at me, the people can judge me if they want and say Diego that ‘Diego is this, Diego’s that whatever.’ I don’t care at the end of the day inaalagaan ko ang baby ko. Do’n wala kang masasabi sa akin,” wika ng aktor.
Ang importante sabi ni Diego ay alam nilang dalawa ng nanay ng anak niya kung ano ang totoo at hindi na nito kailangang i-prove pa sa ibang tao.
Dagdag pa, “We came to the discussion, kami ni Lex na she was gonna publicly explain kung ano talaga ‘yung nangyari but everything going on in the Philippines right now pag open mo ng Facebook (ang daming hiwalayang nangyari) which I don’t wanna talk either because it’s none of my business.
“Kaya sabi ko, ‘ibi-bring out pa ba natin ‘yung nangyari sa atin para ipaliwanag (sa publiko) and it’ll be nicer if it came from her kasi kung ako ‘yung magsasalita (sasabihin ng tao), ‘he’s just washing his hands’.
Baka Bet Mo: Barbie, Diego nagkagulatan nang magkita sa miting de avance, sigaw ng audience: ‘Balikan! Balikan!’
“Ngayon parang ‘yan ang ginagawa ko seating in front of you (Ogie) clearing my name, I’m not! I’m not trying to, I don’t wanna talk about it. It would be nice if manggaling kay Lex pero if hindi, ‘wag na!” paliwanag ng binatang ama.
View this post on Instagram
Inamin din niya na sanay na siya sa mga intriga sa tagal na rin niya sa industriya kaya dedma na lang, “I’d rather be quiet. Life goes on the world still spins, the world move on and there’s only so much you can do.”
At dito inamin ni Diego na may pagkakamali rin siya sa nangyari sa kanila ni Lex.
“May mali naman talaga kasi ako, meron siyang sinet na rule, I broke that rule and not only once siguro twice or three times pa. Can you blame the woman for having emotions and reacting out of her emotions, no!
“Nagkamali ako, eh. Lesson I learned is well, keep your promises that’s number one. I should have kept my promise and I will always be understanding of Lex, she’s the mother of my child,” paliwanag ni Diego.
Ang pinakaimportante sa kanya ngayon ay ang pagiging tatay niya sa anak nila, pagkakaroon niya ng maayos na trabaho, maging proud ang magulang niya bilang anak nila, sa sisters niya at half-brothers niya bilang kapatid.
“Being a father is one of the things I have to sustain, I have to keep the bar high be a good example kung baga,” sambit ng aktor.
Samantala, nabanggit din ni Diego na kahit Australian citizen ang anak niya ay mas gusto muna niyang dito mag-aral ang bata para ma-adapt nito ang kulturang Pinoy dahil ayaw niyang matulad sa kanya na sa edad 13 ay naroon na siya sa Australia kaya pagdating ng Pilipinas ay na-culture shock siya.
“Ang balak ko muna dito para makuha muna niya ‘yung kultura ng Pilipino hindi ‘yung parang katulad ko na ang nangyari ay mas Australyano ako pagbalik ko dito bitbit ko ‘yung kultura ng Australia.
“I’d rather… she grows up and her root is Filipino and then she goes abroad and study in a university there or maybe high school and I wanted her to be old enough to be able to distinguish the difference between of family of ours Filipino and up there to make the right choices,” paliwanag ni Diego.
Dagdag pa niya, “It took me a long time to understand Filipinos when I came here and showbiz hindi ko maintindihan, ang dami kong hindi maintidihan kaya I want her to understand us muna since she is a Filipino and when she goes abroad she also respects ‘yung dynamics doon and also within her alam niya rin na isa siyang Filipina.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.