Barbie, Diego nagkagulatan nang magkita sa miting de avance, sigaw ng audience: 'Balikan! Balikan!' | Bandera

Barbie, Diego nagkagulatan nang magkita sa miting de avance, sigaw ng audience: ‘Balikan! Balikan!’

Ervin Santiago |May 05,2022
facebook
share this

Barbie, Diego nagkagulatan nang magkita sa miting de avance, sigaw ng audience: ‘Balikan! Balikan!’

Ervin Santiago - May 05, 2022 - 08:24 AM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga nagkita uli sa isang political rally

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

“BALIKAN! Balikan! Balikan!”

Yan ang nagkakaisang sigaw ng mga taong dumalo sa miting de avance ng isang local political party sa Quezon City kagabi nang magkita ang dating magdyowa na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Game na game namang nakipagbiruan at nakipagtuksuhan ang ex-couple sa mga residente ng Quezon City na sumugod sa District 2 rally ng Serbisyo sa Bayan Party.

Pagkatapos kasing kumanta ni Barbie on stage ay biglang tinawag ng ilang kandidato si Diego kaya naman tilian at palakpakan ang mga tao nang lapitan na ng hunk actor si Barbie.

Nakatingin lang ang dalaga sa binata habang papalapit ito kaya mas lalo pang lumakas ang sigawan at maririnig nga ang panunukso ng mga tao sa kanila na magbalikan na.

“Sorry nanggulo ako, narinig ko lang kanta mo. Medyo naapektuhan ako sa backstage. Pero sige ituloy mo na. Go na, go na,” ang hirit ni Diego kay Barbie.

Nang makababa na ang binata sa stage, nag-joke naman si Barbie kay QC Mayor Joy Belmonte na isa sa mga kandidatong nakaupo sa kanyang likuran.

“Uy wala ‘yon sa kontrata ko, Mayor Joy! Joke lang po. Shot puno!” ang tawa nang tawang chika ni Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Samantala, nang tawagin muli si Diego sa stage sinabi nito na naroon siya para suportahan naman ang kandidatura ni District 6 congressional candidate Ralph Tulfo na dati niyang classmate.

Aniya, nagulat din daw siya nang malamang naroon din ang kanyang ex-girlfriend.

“Hindi ko rin ine-expect na magkikita kami. Hindi ko akalain na magkikita kami rito. Tapos ang kinanta pa niya, ‘Oo nga pala…hindi na tayo pwede.’

“Sabi ko sa kanya, okay lang ba mag-stay ka saglit, dahil may gusto akong sabihin sa ’yo sa kanta,” hirit ni Diego.

At kinanta nga niya ang acoustic ballad na “Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin” bilang sagot daw sa kinanta ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang taon ding tumagal ang relasyon ng dating magdyowa at nagdesisyon ngang maghiwalay na pagkatapos na pagkatapos ng Bagong Taon noong January, 2022.

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco nangangamoy balikan na: ‘Best Christmas gift ever!’

James, Nadine muntik nang magkita, fans nag-react: Sana sila rin sa huli

Cassy, JD nahuli sa akto sa set ng ‘First Yaya’; pangarap ni Bea tinupad ni Jessica

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending