Toni Rose Gayda tinangkang ligawan ni Vic Sotto: ‘Hindi ko pinayagan’
MAY ibinunyag ang dating host ng “Eat Bulaga” na si Toni Rose Gayda patungkol sa kanila ni Vic Sotto.
Kwento ni Toni Rose, tinangka siyang ligawan ni Bossing Vic noong magkasama sila sa nasabing noontime show.
Ngunit, hindi raw niya ito pinayagan dahil alam niyang mahirap makipagrelasyon sa isang katrabaho.
“Hindi ko pinayagan,” sey ng dating TV host.
Baka Bet Mo: Vic Sotto sa paggamit ng ‘Eat Bulaga’: Siguro kapag tumigil na ‘yung iba
Paliwanag niya, “Maybe, ganon (nagparamdam) konti. Pero kasi mahirap kung karelasyon mo ‘yung kasama mo, mahirap lalo for me kasi nga sabi ko selosa ako.”
Para sa mga hindi aware, si Toni ay naging mainstay host ng Philippines’ longest-running show ng halos dalawang dekada.
Pero umalis siya sa nasabing programa noong 2014 upang makapag-focus sa kanyang pamilya.
“It came into a point nagkasakit mommy ko, dalawang anak ko nasa hospital for different reasons may sakit rin sila noon. Hindi ko nakayanan. Sabi ko,’ I cannot give my best and nahiya naman ako kay Mr. Tuviera and kay Malou’,” kwento niya.
Patuloy niya, “I talked to Malou, sabi ko aalis na lang ako. Sabi niya, ‘Does that mean you’re resigning?’ Una indefinite leave. Sabi ko, ‘Siguro Malou, ganon na nga’ kasi I’ll have to attend muna to my mom and my kids kasi kailangan talaga tutok.”
Baka Bet Mo: Jodi walang pinipiling katrabaho: ‘Basta ang mahalaga yung seryoso sila at professional’
Kasunod niyan ay ipinahayag ng dating EB Dabarkad na lubos siyang nagpapasalamat na nakatrabaho niya ang TV host trio na sina Tito and Vic Sotto, pati na si Joey De Leon o mas kilalang TVJ.
“If there’s a blessing that I’d consider is nakatrabaho ko ang TVJ because ang sarap nilang katrabaho, ang sarap nilang kasama,” sambit ni Toni.
Chika pa niya, “Joey would really make you feel welcome. Si Bossing naman sobrang bait pero mahiyain.”
Si Toni ang only child ng FAMAS award-winning actress na si Rosa Rosal na binansagang “original femme fatale of Philippine cinema.”
Maliban sa “Eat Bulaga,” napabilang din dati si Toni sa “Supershow,” “Lunch Date,” “Okay Ka, Fairy Ko,” “ASOP Music Festival,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.