Buboy Villar balak nga bang ligawan si Jelai Andres? | Bandera

Buboy Villar balak nga bang ligawan si Jelai Andres?

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

Buboy Villar balak nga bang ligawan si Jelai Andres?

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 12:40 PM

Buboy Villar at Jelai Andres

WALANG plano ang Kapuso comedian na si Buboy Villar na ligawan si Jelai Andres kahit pa crush na crush niya ang aktres at content creator.

Hindi raw kasi niya priority ang kanyang lovelife o pakikipagrelasyon ngayon dahil mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang sarili at showbiz career.

Sabi ng “Runningman Philippines” celebrity contestant at vlogger, ayaw muna niyang pumasok sa seryosong relasyon dahil ang priority niya ay ang pagtatrabaho para sa kanyang kinabukasan.

“Mas pina-priority ko ‘yung sarili ko ngayon, parang self-love,” ang sabi ng komedyante hinggil sa usapin ng pakikipagrelasyon sa panayam ng GMA Network.

Aniya pa, “Punuin mo ‘yung sarili mo ng pagmamahal. Nag-uumapaw na pagmamahal para sa sarili mo. Para yung nag-uumapaw, yun na yung para sa family mo, sa mga anak mo, friends.”

In fairness, bentang-benta sa mga fans ang tandem nina Buboy at Jelai na nagsimula sa Kapuso romantic comedy series na “Owe My Love” na umere noong 2021 at pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

At mula nga noon, nagsunud-sunod na ang collab nila sa kanilang YouTube vlogs na talaga namang kinaaaliwan ng mga netizens. Sa katunayan, marami ang nagkokomento sa sana’y sila na raw ang magkatuluyan sa ending.

View this post on Instagram

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Nang tanungin kung anu-anong qualities ni Jelai ang gustung-gusto ni Buboy, ang sagot ng Kapuso comedian, bukod sa napakabait, magaling din daw itong makinig.

“Pangalawa, totoo siyang tao. Kumbaga kasunod na yung kabaitan,” sabi ni Buboy patungkol kay Jelai.

Sa isang vlog, niregaluhan pa ni Jelai si Buboy ng isang expensive gift para sa 24th birthday ng aktor na super shocked nang makita niya kung ano ito.

Ayon kay Buboy, hindi naman siya nag-e-expect nang mamahaling regalo kay Jelai dahil mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanilang friendship. Pero pareho ras itong ibinigay sa kanya ni Jelai.

https://bandera.inquirer.net/310004/buboy-villar-sinorpresa-ni-jelai-andres-ano-to-suhol-para-ma-inlove-ako-sa-yo

https://bandera.inquirer.net/315202/buboy-villar-sa-bonggang-transformation-ni-herlene-budol-huwaw-ibang-iba-ka-na-ngayon

https://bandera.inquirer.net/324532/buboy-nagtatrabaho-nagsasakripisyo-para-sa-mga-anak-na-nasa-us-iba-pa-rin-yung-naaamoy-nayayakap-mo-sila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316918/buboy-gagawin-lahat-para-matalo-ang-mga-kalaban-sa-running-man-kaya-ko-silang-laruin-at-paikutin-sa-mga-palad-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending