Vic sa paggamit ng 'Eat Bulaga': Siguro kapag tumigil na 'yung iba

Vic Sotto sa paggamit ng ‘Eat Bulaga’: Siguro kapag tumigil na ‘yung iba

Therese Arceo |December 07,2023
facebook
share this

Vic Sotto sa paggamit ng ‘Eat Bulaga’: Siguro kapag tumigil na ‘yung iba

Therese Arceo - December 07, 2023 - 03:39 PM

Vic Sotto sa paggamit ng 'Eat Bulaga': Siguro kapag tumigil na 'yung iba

Vic Sotto at Joey de Leon

MATAPANG na sinagot ng TV host-actor na si Vic Sotto ang tanong kung kailan nila balak gamitin ang ang “Eat Bulaga” o “EB”.

Marami na rin kasi ang nagtatanong kung kailan nila gagamitin ang naturang titulo para sa kanilang noontime show lao na’t kinansela na ng Intellectual Property Office ang trademark registration ng TAPE Inc. nitong Martes, December 5.

Sagot nga ni Vic sa tanong ng isang reporter, gagamitin lang nila ang “Eat Bulaga” kapag tumigil na ang TAPE Inc. sa paggamit nito.

“Siguro ‘pag tumigil na ‘yung may gumagamit na iba, at nagpakita ng respeto. ‘Yun na siguro ang tamang panahon… Pagka nagpakita sila ng respeto at tigilan na ‘yung panggagamit ng hindi naman sa kanila, eh mas masaya,” pagbabahagi ni Bossing Vic.

Dagdag pa niya, “Siguradong hindi lang Merry Christmas, Happy New Year pa talaga.”

Baka Bet Mo: TVJ wagi sa ‘Eat Bulaga’ trademark case, TAPE Inc. nganga

Ngunit mukhang matatagalan pa ang pag-gamit nina Tito, Vic, at Joey sa “Eat Bulaga” dahil base sa pahayag na inilabas ng legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque, tuloy ang paggamit nila sa “Eat Bulaga”.

“As confirmed by the statement released by IPO today, TAPE has a period of 15 days to appeal the decision of the adjudication officer to the Director of the BLA-IPO. Then, appealed decisions may still be appealed to the Director General of IPO within 30 days,” saad ni Atty. Maggie.

Baka Bet Mo: Vic Sotto bet na makuha ni Tali ang kanyang pagiging pasensyoso: Sa buhay kailangang patient ka

Anila, nirerespeto nila ang batas kaya nais nilang sundin ang proseso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa rito, hiling nila na huwag munang gamitin nina Tito, Vic, at Joey ang “Eat Bulaga” hangga’t wala pang pinal na desisyon sa kanilang apela ang IPO.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending