Vic Sotto bet na makuha ni Tali ang kanyang pagiging pasensyoso: Sa buhay kailangang patient ka
MARAMING magagandang katangian si Bossing Vic Sotto ngunit ang pinakagusto niyang mamana ng kanilang anak ni Pauleen Luna na si Tali ay ang mahaba niyang pasensya.
Sa kanyang panayam sa YouTube vlog ng Kapamilya star na si Kim Chiu ay natanong siya kung ano ba ang ugali niya na sana ay makuha ni Tali sa paglaki nito.
Habang tila na-i-starstruck pa ang Kapamilya TV host-actress dahil hindi niya inaakala na makakadaupang palad niya si Bossing Vic ay nagkaroon sila ng chance na makapagkuwentuhan ukol sa buhay buhay.
Unang naglaro ang dalawa ng “This or That” kung saan pipili ang “E.A.T.” host sa dalawang bagay na sasabihin ni Kim.
Matapos ang kanilang laro ay nausisa ni Kim ang ilang detalye sa buhay ni Vic.
Ilan na rito ay ang pagpasok sa pulitika, ang pinakamahal na iniregalo niya sa asawang si Pauleen, pinakaayaw na artista, at ang nais niyang mamana ni Tali sa kanya.
Siguro yung pagka-pasensyoso.
Siguro sa buhay kailangan patient ka eh. Hindi naman lahat ng gusto mo ibibigay ng tadhana o ng Panginoon,” sagot ni Vic.
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Vic, “Pag hindi mo nakuha, you have to be patient na siguro balang araw darating, pag hindi naman darating may rason yun kung bakit hindi dumarating.
“That’s one virtue na gusto kong matutunan ni Tali… Sa ngayon impatient e. Kapag matagal ‘yung pagkain medyo umiinit ang ulo e.”
Sa ngayon ay excited na si Tali na maging big sister dahil ipinagbubuntis na ni Pauleen ang kanilang second baby ni Bossing Vic.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng gender reveal ang Sotto family na pinamunuan ni Danica, panganay ni Bossing.
Natupad naman ang hula ni Vic na babae ang kanilang magiging second baby.
Related Chika:
Vic Sotto nag-ala staged father sa kanyang flower girl na si Tali
Pauleen, Bossing kinakarir ang paggawa ng 2nd baby: Gusto talaga naming magkaroon ng kapatid si Tali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.