Mayor Bullet, Atty. Bong inaming apektado ang mga anak sa isyu

Mayor Bullet, Atty. Bong inaming apektado ang mga anak sa isyu

Therese Arceo |February 23,2024
facebook
share this

Mayor Bullet, Atty. Bong inaming apektado ang mga anak sa isyu

Therese Arceo - February 23, 2024 - 01:01 PM

Mayorc Bullet, Atty. Bong inaming apektado ang mga anak sa isyu
HINIHIKAYAT na nina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at former Congressman Bong Suntay ang dating couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na magsalita na sa pagkakadawit nila sa isyung hiwalayan ng dalawa.

Sa kanilang panayam sa reporter na si Jay Ruiz na ipinalabas sa kanyang YouTube channel nitong Miyerkules, nilinaw nila na walang katotohanan ang mga isyung iniuugnay sa kanilang pangalan.

May mga kumakalat kasing chika na diumano’y “sugar daddy” o “benefactor” ni Dominic sina Mayor Bullet at Atty. Bong.

Giit nila, walang katotohanan ito dahil magbabarkada lang sila noon pa man at nabuo ang kanilang samahan dahil sa passion sa pagmomotor.

Pagbabahagi ni Mayor Bullet, “Dinadaan ko lang sa biro talaga [yung pagkaka-link kay Dominic]. Pinagtatawanan ko lang. Pero at one point, kailangan mo talaga i-explain.”

Dito ay ikinuwento niya na nang um-attendi siya ng flag raising ceremony sa city hall ay nilinaw niya ang isyu sa pabirong pamamaraan.

Baka Bet Mo: Dominic Roque ‘barkada’ lang nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I had to clarify, not for anything but siyempre may anak din ako. Ayoko rin na nadadamay siya. Tinatanong rin siya ng classmates niya kung totoo although she’s taking it lightly but we don’t know. She’s only 12 years old,” saad ni Mayor Bullet.

Bukod pa rito, reputasyon nila ang nakataya sa isyu na ilang taon nilang pinangalagaan.

Sundot naman ni Atty. Bong, “Tama ‘yung sinabi ni Bullet… People who are close to us, people who knows us, alam na kung ano ‘yung totoo at alam nila na talagang malayong-malayong mangyari yan.

“Pero paano ‘yung hindi naman malapit sa atin, baka kung anong isipin nila.”

Sinang-ayunan rin niya ang sinabi ni Mayor Bullet na may epekto talaga sa kanilan mga anak ang kumakalat na tsismis.

“Kami naman we’re confident that later on, si Bea at si Bea, kaibigan namin yan. We are hopeful that they will come out with a statement clearing our name dahil if they value our friendship, alam nila na naaapektuhan kami,” sey ni Atty. Bong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika pa niya, kukunin pa nga siyang ninong sa kasal nina Bea at Dominic na gaganapin raw sana ngayong Setyembre na hindi na matutuloy.

Samantala, sa statement na inilabas ng kampo ni Dominic nitong Martes, February 20 sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, nilinaw niya walang katotohanan ang pagkaka-link sa kanya nina Mayor Bullet at Atty. Bong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending