Ricci, Leren Mae nangakong ipaglalaban ang isa't isa

Ricci, Leren Mae nangakong ipaglalaban ang isa’t isa; kabado sa ‘kasal’

Ervin Santiago |February 18,2024
facebook
share this

Ricci, Leren Mae nangakong ipaglalaban ang isa’t isa; kabado sa ‘kasal’

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 11:59 AM

Ricci, Leren Mae nangakong ipaglalaban ang isa't isa; kabado sa 'kasal'

Leren Mae Bautista at Ricci Rivero

“TRUST, open communication at walang iwanan sa anumang uri ng laban” ang ilan sa mga pundasyon ng relasyon nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista.

Sa maikling panahon ng pagiging magdyowa nina Ricci at Leren ay may ilang lessons in love na rin silang natutunan na ginagamit nila ngayon para mas maging solid pa ang kanilang pagmamahalan.

Sabi ni Ricci, dahan-dahan lang ang atake nila ni Leren sa kanilang relasyon dahil naninila siya sa kasabihang “slow but sure.”

“Hindi n’yo kailangan madaliin. Hindi n’yo rin naman kailangan intentionally i-delay. Basta go with the flow kayo, pero nandoon ‘yung intent of getting to know each other more,” ang sabi ni Ricci sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

Baka Bet Mo: Leren Bautista iginiit na ‘single’ sila ni Ricci bago pumasok sa relasyon

Pagpapatuloy pa ng professional basketball player, “Kasi kahit gaano katagal ‘yan, ang sabi nga kapag may nakakausap tayong mga matatanda, kahit ‘yung mga lolo at lola natin may mga bago pa rin silang natututunan sa isa’t isa, hindi siya nag-i-stop.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“May mga ayaw pa rin tayo na gagawin ng partner natin na first time nating makikita kahit sobrang tagal niyo na,” dugtong ni Ricci.

Ang importante raw ay kung paano magiging understanding ang magdyowa upang maiwasan ang matinding away at malampasan ang mga pagsubok sa relasyon.

Sey naman ni Leren, number one consideration pa rin ang communication sa magkarelasyon, “It’s more on focusing on how you communicate with each other.

“Kasi magkaibang tao pa rin, may iba’t iba kaming gusto talaga, may mga hindi kami pagkakaintindihan, may parehas naman kaming naiintindihan din.

Baka Bet Mo: Leren Bautista feel na feel ang kanta ni Gary V para kay Ricci Rivero: ‘You came at the right time in my life…God knows the truth’

“So ‘yun ang kailangan talagang matutunan, ‘yung communication din talaga,” sey ng konsehala.

Aniya pa, “And of course ‘yung choice din to stick with your partner kahit anong mangyari, despite sa mga hindi pagkakaintindihan, sa challenges and saya rin na palaging nae-experience niyo rin, itse-cherish din lahat ng ‘yun.

“Choice pa rin to be your partner, kung anuman ang mangyari,” ang punto pa ni Leren.

Sa tanong kung nakikita na ba nila ang isa’t isa na nagpapakasal at nagsasama sa isang bubong, sagot ni Ricci, “Sana Tito Boy. Kinakabahan ako pero sana.”

“Nakakakaba rin siya at some point, eh,” dagdag ng ex-boyfriend ni Andrea Brillantes.

Para naman kay Leren, “Same feeling, nakakakaba. Kasi it’s a big commitment.”

Inamin naman ni Ricci na napag-uusapan na rin nila ni Leren ang tungkol sa engagement at kasal, “May mga napag-usapan na rin kami, even ‘yung friends namin na na-engage or nagpaplano ng kasal. Same kami na hindi naman siya doon sa tagal or what.

“Meron din kasi siyempre, kunwari masaya kayo ngayon. Pero what if may challenges, how do you guys deal with that, and how badly you want to make it work.

View this post on Instagram

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


“Doon mo naman mapi-feel kung…ito magwo-work ito kahit na anong mangyari, kahit magkaroon kami ng problems or what,” paliwanag ni Ricci.

Hindi rin daw isyu kay Leren ang long engagement o short engagement, “At this moment, tama rin. Kung ma-feel mo na rin talaga na okay ka na with your partner, I think hindi naman kailangan ng long engagement.

“For as long as kailangang pagbutihin niyo rin ang relationship. Kasi hindi naman palagi okay, hindi naman palagi masaya.

“Feeling ko naman ang long o short engagement depende ‘yun sa kung ano ang gusto talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But for me, kahit ano naman doon, basta ramdam naman namin and napag-usapan naman kung ready na ba talaga kami to really commit,” sey pa ng dating beauty queen at Los Baños Municipal Councilor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending