Marco loyal kay Cristine, laging nagdarasal na ilayo sa mga tukso

Marco loyal na loyal kay Cristine, laging nagdarasal na ilayo sa mga tukso

Ervin Santiago |February 05,2024
facebook
share this

Marco loyal na loyal kay Cristine, laging nagdarasal na ilayo sa mga tukso

Ervin Santiago - February 05, 2024 - 07:18 AM

Marco loyal na loyal kay Cristine, laging nagdarasal na ilayo sa mga tukso

Marco Gumabao at Cristine Reyes

NANINIWALA ang hunk actor na si Marco Gumabao na palaging may mga tukso at pagsubok sa pagsasama ng isang magkarelasyon.

Kaya kailangan daw pagtibayin ng mga magdyowa ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan para mapanatili nilang solid ang kanilang pagsasama.

Sabi ni Marco sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, napakahalaga talaga ng “communication and trust” sa pagitan ng magkarelasyon.

Lalo pa’t pareho pa silang nasa showbiz ng kanyang girlfriend na si Cristine Reyes kung saan kaliwa’t kanan ang mga tukso o temptation.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

“It’s always important to have God in the center of the relationship. Kapag nandiyan si God sa center ng relationship niyo, you will always pray for temptation to not go near you,” ang pahayag ni Marco kay Tito Boy.

Sey naman ni Cristine, “Communication, importante po ‘yun, and talagang building trust. Trust is not built in a day. It should be everyday.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pahayag pa ni Marco tungkol sa mga naglipanang tukso sa paligid, “Of course we are in the industry na showbiz na we work with other people, temptation is always there. It should always be a prayer na ilayo ka sa temptation.”

Naniwala rin ang aktor na super happy happy ang family ni Cristine para sa kanilang dalawa, lalo na ang sister ng aktres na si Ara Mina.

Tanggap na tanggap din ni Marco ang anak ni Cristine na si Amarah sa dati nitong asawang si Ali Khatibi.

Baka Bet Mo: David inulan ng tukso dahil kay Maria Ozawa: Huli ka, Pambansang Ginoo!

“Noong nalaman niya (Ara), she was really happy for us. With Amarah naman, we are also close,” chika pa ni Marco.

Pag-alala pa ng binata, nakikita na niya noon si Amarah noong magkasama sila sa trabaho ni Cristine. May mga pagkakataon kasi na isinasama ng aktres ang bata sa shooting at taping.

“I saw Amara grow up. Kumbaga I always have a sweet spot for her. Kahit noong wala pa siyang one year old. ‘Yun pala, ito (relationship nila ni Cristine) ang reason,” pagbabahagi pa ni Marco.

Samantala, inamin din ni Marco na siya ang unang gumawa ng move para mas magkalapit pa sila ni Cristine, at siya rin daw ang unang nagso-sorry kapag may tampuhan sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, proud ding ibinandera ni Marco na siya rin ang unang nagsabi ng “I love you” noong nanliligaw pa lang siya kay Cristine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending