Kris aamin na: I know my news will break your heart

Kris ilalantad na ang katotohanan: I know my news will break your heart

Ervin Santiago |February 14,2024
facebook
share this

Kris ilalantad na ang katotohanan: I know my news will break your heart

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 07:36 AM

Kris ilalantad na ang katotohanan: I know my news will break your heart

Kris Aquino

NGAYONG araw, February 14, ang 53rd birthday ng Queen of All Media na si Kris Aquino, kasabay ng selebrasyon ng Valentine’s Day sa buong mundo.

Kahapon, in-announce ng King of Talk na si Boy Abunda na may nais ibahaging mensahe si Kris para sa lahat ng nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ito’y may kinalaman tungkol sa tunay na estado ng kanyang kalusugan. Ihahayag ito ni Tito Boy mamayang hapon sa programa niyang “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7.

“A couple of days ago ay nakausap ko po ang aking kapatid, si Kris Aquino. Tomorrow, she is celebrating her birthday.

Baka Bet Mo: Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

“And we’re going live again tomorrow dahil Kris requested me to read a very important statement tungkol sa kanyang kalagayan.

“Sabi nga niya, ‘Utang ko sa milyun-milyong tao na nagdarasal para sa akin.’ At sabi niya, ‘Boy, it has to be you. You have to read my statement para maunawaan ng tao.’

“Kris is going through a very difficult time in her life. Sabi niya sa akin, ‘Para mas maintindihang mabuti, promise me, Boy, you will not cry.’ Sabi ko, ‘Kris, hihintayin ko ang iyong statement and I will try not to cry…’” ang pahayag ng premyadong TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa Facebook post naman ng tatay-tatayan ni Kris na si Dindo Balares, dating entertainment editor, kinumpirma niya ang mas matinding pinagdaraanan ngayon ng TV host-actress hinggil sa kanyang kalusugan.

Baka Bet Mo: Angelica 2 beses nang na-postpone ang kasal kay Gregg Homan, tuloy na tuloy na sa 2024: ‘Parang ayaw ng universe na itago namin’

Narito ang buong FB post ni Kuya Dindo.

“Nasa roof deck garden ako last Monday night, tinitingnan kung may nabubuong seeds ang bagong batch ng hand-pollinated flowers ng satsumaimo, nang matanggap ko ang message na ito ni Krisy:

“‘Kuya Dindo, Boy (Abunda) is now taping. Please don’t pre-empt what he’ll be sharing to be aired on my birthday. I know my news will break your heart but please remember yung inampon mong panganay was BORN BRAVE.

“Please promise that you will just continue to pray & maintain your faith na kakayanin ko ‘to.”

“Ikinuwento ni Krisy ang pinakahuling lagay ng kanyang kalusugan, pero hindi ko po puwedeng sulatin.

“‘Pag may request sa akin si Kris, o kahit na sino sa mga anak ko, tumatalima ako. Walang tanong-tanong. Isang way upang maipakita at maiparamdam kung gaano ko sila kamahal.

“Hintayin po nating si Boy ang magsabi.

“Naikuwento ko na yata dati pa, hindi sa showbiz kami nagkahulihan ng loob ni Krisy kundi sa faith.

“Lumalakas ang kanyang loob ‘pag nalalaman niyang may nagdarasal para sa kanya. Kaya humihiling siyang ituloy pa rin ito (praying hands emoji).

“Happy Birthday, Krisy!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Update: Kasama nang magla-live ni Tito Boy si Kris sa episode ngayong hapon ng Fast Talk. Abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending