Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya | Bandera

Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

Therese Arceo |February 26,2022
facebook
share this

Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

Therese Arceo - February 26, 2022 - 11:11 AM

Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya
HINDI pinalagpas ng aktres na si Angel Locsin ang isang netizen na nag-comment sa kanyang Instagram post na ipinost niya nitong February 25 kung saan kasama nito ang pamilya ni Kris Aquino at ilang mga malalapit pa nilang kaibigan.

Dumalaw kasi ang aktres sa Queen of all Media para kumustahin ito at i-celebrate ang nagdaang kaarawan ng ina nina Kuya Josh at Bimb.

“Small gathering to celebrate ate kris’ birthday! posting this picture because she look so beautiful and healthy here. She’s been struggling with her health for sometime now, at na-miss kong naka-glam up & full of energy siya 🙂 love you ate!” saad ni Angel sa kanyang caption.

Dagdag pa ng aktres at philantropist, “Mahaba haba na rin ang pinagsamahan natin at iba magmahal ang isang Kris Aquino. Anyway, I enjoyed our chikahan with Ate Anne & Cong Len. I’m really sorry na buong gabi akala ko ibang tao sila and they’ve been so proper not to call me out sa katangahan ko. haha at hindi pa pala ako naga-apologize, hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

Binanggit rin nito kung ano ang magiging kulay nila ngayong darating na eleksyon.

“Mabuhay ang kapayapaan at demokrasya!” hirit pa ni Angel bilang pag-alala sa ika-36th anniversary ng EDSA People Power.

Marami ang natuwa at na-excite sa muling pagsasama ng dalawa. Marami rin sa mga netizens ang humanga sa tibay ng pagkakaibigan ng dalawa dahil sa kabila ng pinagdaraanan ni Kris sa kanyang kalusugan ay hindi siya iniwanan ni Darna.

“Yan tlga ang tunay na kaibigan, sa hirap at ginhawa khit di nagkikita lagi, pero iniisip pa rin ang kaibigan, I salute you mydear angel, love u alwys, God bless you. Always be safe,” saad ng IG user na si @roselynaguilarpajo.

Sabi naman ni @awesome_mama, “The real unbothered selfless queens. Dun tayo sa di lang kayang panindigan ang kulay para sa bayan kundi naging parte din ng totoong pagtulong at pagmamahal sa bayan with or without cameras just like their chosen color. Oh well nakakaproud naman talaga maging kakampink kahit saang anggulo hindi nakakadiri ipagsigawan.”

Pero mayroon at mayroon pa rin talagang mga taong hindi rumerespeto sa paniniwala ni Angel at patuloy na nire-redtag ang aktres.

Comment nito, “Mabuhay ang NPA.”

Palaban naman ang naging sagot ni Angel na “Nanre-redtag, style diktaturya.”

“Siguro naniniwala ka rin sa Tallano gold,” sey naman ng asawa ng aktres na si Neil Arce.

Sa ngayon ay wala na ang comment ng nasabing IG user.

Hindi naman ito ang unang beses na na-redtag si Angel dahil sa kanyang paniniwala. Hindi lang rin ang aktres ang nakakaranas nito. Maging sina Liza Soberano, Catriona Gray, at Kathryn Bernardo ay nabiktima na rin dahil sa pagiging vocal ng mga ito sa kanilang political stand.

Related Chika:
Angel handa nang magka-baby: Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa pwede na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending